Nathaniel & Audrey
Sakay sya ng white Porsche 911
Gt3 at nasa kahabaan sya ng
express way papuntang Batangas
ay biglang nag ring ang kanyang
cellphone. Bro good morning bati ng
nasa kabilang linya. Good morning din
bro on the way na ko pa Batangas.
Bro yung details nasa mesa mo good
luck at ingat sa pag dadrive bye, sabay
end calls ng nasa kabilang linya. Ano
na naman kaya pakulo nitong si Lance
na ito sambit ni Nathan sa kanyang
isipan.
Kinakabahan si Audrey ng umagang
iyon Audrey dahil ang CEO na talaga ang
mag interview sa kanya . Sana
matanggap ako dasal nya habang nasa
lobby ng building. Napansin nyang
parang may pinagkakaguluhan ang nga
tao sa labas kaya naki usosyo na rin sya.
Nakita nya ang magarang sports car na
pinagtitinginan ng mga tao sa labas.
Narinig pa nya ang isang boses ng lalaki
na nasa likod nya "Porsche 911 Gt3 "
Worth of 16 million.Nagulat sya sa
halaga ng sasakyan,mukhang bigatin
ang may dala nyan ah wika pa ng
kasama nitong lalaki. Nandyan na ang
CEO narinig nyang sabi ng isa sa mga
empleyado. Ahh may ari pala nito ang
may ari ng sasakyan yan wika ulit ng
lalaki kanina. Hindi na nya hinintay
bumaba ng sasakyan ang may ari at
nagpunta na sya sa rest room upang
mag retouch dahil kinakabahan sya kung
anong klaseng boss ang haharapin nya.
Habang sakay ng elivator ay napaisip
si Nathaniel sa kung anong meron sa
mesa nya. Pagdating nya sa 25th floor
kung nasaan ang opisina nya ay sabay
sabay na binati sya ng mga empleyado
nya. Good morning sir ! bati ng mga ito
habang nakatayo ,good morning bati nya
sa lahat at ikinumpas ang kamay na
umupo na lahat.
Nasa loob na sya ng opisina nya
ng biglang tumawag ang kaibigan si
Lance. Hello bro nasa opisina kana ba?
Oo wika nito sa kabilang linya. Bro good
luck kung ako sayo wag mo syang
pakawalan. Sabay end call sa kabilang
linya. Ano bang pinag sasabi ng
kaibigan nya. Bigla naman tumunog ang
telepono sa side table nya at agad itong
sinagot. Sir papaakyatin ko na po ba
dyan for final interview ang secretary
nyo? Natigilan sya sa sinabi ng nasa
kabilang linya sabay tingin sa puting
typewriting sa mesa nya. You should
hire her bro nakasulat sa puting papel.
Nang iharap nya ito ay resume pala ito
at binasa ang pangalan ng aplikante
Audrey Dizon Cruz ," namamalikmata
ba ako"?sambit nya sa sarili.
Binasa nya ulit ito at tiningnan ang
larawan, larawan nga ito ni Audrey.
Biglang lakas ng t***k ng kanyang puso
hindi nya alam kung paano haharapin
ang dalaga, at paano nalaman ni Lance
ang tunkol kay Audrey ganun wala
naman itong alam sa kanila. Sir nandyan
pa po ba kayo? boses sa kabilang linya
na nagpabalik ng ulirat nya. Ahm
pakisabi umakyat na sya dito at sabihin
mo sa kanya sa VIP elivator na sya
sumakay at ng mapadali sya.