Audrey & Nathan
Mabilis na lumipas ang mga araw
bihira na rin silang magkita ni AUDREY
dahil sa dami ng mga trabahong
nakaatang sa kanyang balikat. Walang
katapusan meetings and appointments ,
ngayon pabalik na ako sa office at
ipagtatapat ko na kay Audrey na ako ang
Boss nya at may ari ng company na
pinapasukan nya. Nasa lobby sya ng
mapansin nya ang magpinsan Audrey
at Adrian na may kausap na babae , at
ito ang kapatid nyang si Hailey.
Kinakabahan sya na baka sinabi na ni
Hailey dito ang totoo. Nagkataon naman
na lumingon sa gawi nya si Audrey,
Halika dito kumag ka masiglang tawag
sa kanya ni Audrey. Kuya Nathaniel
sigaw ni Hailey habang palapit at
yumakap ito sa kanya. Nabigla sya sa
tinuran ng kapatid, Hindi kana umuuwi
sa bahay almost three months
na. "Nag wo-worried na ako sayo baka
napapabayaan mo na sarili mo sa
kakawork mo",saad ng nakababatang
kapatid. Parang mabibingi si Audrey sa
narinig "Nathaniel" eto kase ang
pangalan na sinabi ng pinsan nyan si
Ashley. Pero bakit Rosales sya at hindi
Alcantara. Si Nate na sinampal nya ng
dalawang beses sa harap na karamihan
at palagi nyang sinisigawan at
ini-irapan. Sya ang CEO ng kompanya na
ito. Halos tatlong buwan na ako dito
walang nagsasabi sakin, sabay tingin sa
pinsan nyang si Adrian.
Kuya Adrian si Nate Rosales ba at
Nathaniel Alcantara ay iisa? Oo Audrey
sagot ng kanyang pinsan. Kung ganon
tatlong buwan nyo akong niloloko, ng
mga tao sa paligid ko at ikaw din Kuya?
Mangiyak-ngiyak na sabi nya sa
kanyang pinsan. Kung ganon pinag
kaisahan nyo ako at pinagmukhang
tanga? Audrey wala silang kasalanan,
kilala nya kung kaninong boses yun.
Tiningnan ito ng harapan habang di na
napigilan ang mga luha. Kasama ba ito
sa mga Plano mo Nate yung paglaraun
ako? pinagmukha nyo akong tanga
saad nito na panay patak ang mga luha.
Porket ba probinsyana ako Nate nag take
advantage kana pati lahat ng tao dito
sa paligid mo kinasabwat mo. Ito ba ang
paraan mo para makaganti sa ginawa
kong pagsampal sayo noon. Wala na
syang pakialam sa mga taong naroroon
ang mahalaga nailabas nya ang sama ng
loob nya. Napakababaw mo Nate sa
paraan ng pag ganti mo sakin. Hindi
ka makatao alam mo ba yun. Ang tagal
kong nakisama sa mga tao sa paligid
ko, yun pala ginawa lang nila akong
tanga.
Parang tinusok ang puso ni Nathaniel
sa kanyang narinig, ramdam nya ang
sakit na dinadala ni Audrey. Gusto nya
itong yakapin para iparamdam dito na
mali ang dalaga sa kanyang inaakala.
Nagsisi sya at hindi pa sya nagpakilala
dito noong araw ng una nilang
paghaharap. Mahal na nya babae noon
pa lang , ayaw nya na makita itong bad
mood kapag nakikita sya. Kaya sya
na ang gumagawa ng paraan para
makaiwas dito.
Alam mo Nate, Nathaniel or kung
sino ka man herodes ka ang sama sama
mo. Kung hindi pa dumating ang kapatid
mo hindi ko malalaman. Luhaang sabi ni
Audrey sa binata, sabay alis sa harap
nito. Audrey, tawag ng binata sa kanya at
nilingon naman nya ito. Wag mo akong
kausapin at wag na wag mo akong
susundan kundi malilintikan ka talaga
sakin. Hindi naman nakaimik si
Nathaniel sinabi ng dalaga.
Nakasalubong nya ni Audrey ang
babaeng kasama ni Nate noon.
Nagkatinginan sila ni Nicole at hindi
mababakas dito ang kahit anong
kamaldihan o ano pa man. Mauuna na
po ako ma'am hihikbi-hikbing sabi ni
Audrey kay Nicole. Niyakap naman sya
nito upang damayan at ramdam nya pag
kasensiridad ng yakap nito,
napahagulhul na lang sya ng iyak
habang yumakap din sya dito.
Sige po ma'am aalis na po ako di po
nababagay ang isang tatanga-tangang
probinsyana sa building na ito. Kinuha
nya muna ang gamit kung saan floor ito
naroroon at nag iwan na rin ng
resignation letter. AUDREY pasensya
kana wika ni NICA na isa sa mga naging
kaibigan nya. Di na lang nya ito pinansin
at tuluyan ng umalis. Wala naman itong
kasalanan sa kanyang kundi ang boss
nila na minanipula lahat ng taong nasa
paligid nya.
Nang makarating sya sa bahay ay
naabutan nya si Ashley na kagigising
pa lang. Ate ang aga mo ,umiyak kaba?
tanong nito sa kanya. Oh iha ang aga mo
bungad ng tita nya na kagagaling lang sa
kusina. Ah Tita uuwi po muna ako sa
probinsya, bakit ate may problema ba?
Sino nag paiyak sayo? Sabay yakap
sa Tita nya at humaguhul ng iyak. Tita
pinagmukha nila akong tanga lahat sila
ang sama sama nila porket ba
probinsyana ako nag take advantage na
sila. Iha naiintindihan kita kaya hindi
Kita mapipigilan kung gusto mo ng
umuwi . Tita, Ashley pwedeng humingi n
ng favor. Maari po bang wag nyo ibigay
ang address ko sa probinsya sa kanya.
Sige ate para di na sya makasunod at
guluhin pa dun. Tita pakisabi po kay Tito
na hindi na po ako nakapagpaalam sa
kanya at pasensya na. Balikan ko na
po iba kong gamit pag may time po ako
Tita. Mag iingat ka ate, ingat ka iha.
Salamat po, sige aalis na ako Ashley.