Episode 13

828 Words
AUDREY Anak subukan mo mag apply bukas sa bagong tayong building sa bayan. Manila rate anak ang pasahod at maraming benefits na makukuha pag naregular. Opo papa bukas na bukas po mag aapply po ako dun sa sinasabi nyo. Alam mo anak napakaswerte ng bayan natin dahil sa buong probinsya dito nakapagtayo ang multibilyonaire na yun. Maraming matutulungan at maraming trabaho na ipapasok sa ating bayan ang company. Ibig sabihin papa sobrang yaman ng may ari nun ? wika ni Yvonne. Oo anak ang dinig ko sa mga taga city hall na nakaupo sa pwesto may negosyo rin sila sa ibat-ibang panig ng mundo. Wow papa nakakabilib naman ang may ari nun paano napapatakbo ng isang mid twenties na edad ang ganun kalaking responsibilidad? Papa totoo ba na binata pa yung may ari tanong ni Yvonne sa ama. Narinig ko na binata raw at walang asawa pero sa ganun kayaman na lalaki hindi mawawalan ng babae kaliwat kanan. Napaisip si Audrey sa narinig baka nga babaero ang may ari hindi na ko interested na malaman kung sino sya, tutal trabaho naman ipupunta ko dun bukas. KINABUKASAN maaga syang pumunta sa bayan at laking mangha nya ng makita ang ang building na sinasabi ng kanyang mga kapatid at ama. Isang mala five star hotel na may taas na tatlumpung palapag, triple ang lawak nito sa building Alcantara Empire . Napaka successful naman ng may ari nito nakakabilib . Makikita siguro sa pinakataas nito ang buong probinsya kapag nasa taas. Nag tungo na sya sa information upang alamin kung may bakanteng pwesto po HR office na maari nyang applyan. Miss pasensya na po wala na pong available eh mga room attendant, janitors, at securities na lang po yung available. Bigla syang pinang hinaan ng loob sa narinig. Pero Miss kung gusto nyo po try nyo mag apply as a secretary hindi pa po sila nag ha-hire ngayon at yun lang po vacant position ngayon. Pwede bang malaman kung kelan pwedeng mag apply. Kanina pa kase syang di komportable at ramdam nyang pinagtitinginan na sya ng mga taong nasa paligid nya. And who's that beautiful and sexy girl. saad ng isang lalaki sa likuran nya. Ah sir isa po sa mga applicant, sabi ko po wala ng vacant sa HR office pero po naulit ko sa kanya na vacant pa ang secretary position. Hinarap nya ang lalaki at tiningnan ito, may sasabihin pa sana sya ng biglang umalis ang lalaking kaharap. Follow me miss, sinenyasan sya ng babae sa na kausap nya na sumunod na. Itong bang lalaking ito ang may ari. Napaka antipatiko naman nito, pero tama nga ang balita na gwapo, matangkad at matipunong pangangatawan pero walang dating sa kanya hindi gaya ng unang pagtatagpo nila ni Nate ay napansin nya agad ang s*x appeal nito. Itong lalaking kaharap walang dating sa kanya at halatang playboy pa. Sakay sila ng elivator ng mapansin nyang nakamasid sa likod nya ang lalaki. Tahimik lang ito at walang kaimik-imik. Pag karating ng 25th floor ay lumabas sila ng elivator at napansin nya ang ibang empleyado dun na nakatingin sa kanya. Pumasok sila sa isang kwarto kung nasan ang opisina nito. Inayos nito ang amerkana na suot sabay upo sa harap ng mesa. Have a seat miss , Binuksan nito ang laptop, give me your resume. Agad naman nya iniabot dito ang kanyang resume, tiningnan at binasa So you are Audrey Dizon Cruz, nabigla sya sa reaction ng lalaki at di rin nya alam kung bakit. Napansin parang excited ito sa harapan ng laptop nya na para bang may hinahanap. BINGO sabay ngiti nito ng makita ang hinahanap sa laptop. Nagtataka si Audrey sa inaasal nito para bang tuwang-tuwa na ewan. Gwapo ito pag tumatawa pero di nya alam kung bakit walang dating sa kanya. Miss Audrey Dizon Cruz, I'm Lance Dominguez the acting CEO. Honestly my friend ask me a favor para ako muna ang mag manage nito. Isa rin ako mga investors nya dito. Tatapatin na kita hindi kelangan ng kaibigan ko ang secretary kase pakiramdam nya inaakit lang sya ng mga ito. Nalungkot naman sya sa sinabi ng kaharap. Kelangan nya ng trabaho kase yung mga kapatid nya may mga bayarin sa school. Nasa ibang bansa pa sya ngayon at may mga business meetings sya na dinadaluhan sa ngayon. But don't worry Miss Audrey ,naputol ang sasabihin nito ng biglang tumunog ang cellphone ng lalaking kaharap,tiningnan ng lalaking kaharap ang cellphone kung sino ang tumatawag. woah speaking of devil este Angel sabay ngiti nito sa kanya, excuse lang muna Miss Audrey kausapin ko lang sya sabay layo nito sa kanya. Bro how's your business trip, oh really nakuha mo ang mga kontrata at napapayag mo mga new investors para sa next project natin dito sa bansa. Congratulations bro, by the way bro you need to come here tomorrow. Someone is waiting for you here at tiyak masusupresa ka, okay bye bro sabay end call at balik sa kanya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD