MILLICENT'S POV "Nakakaalala ka na?" Gulat na tanong ko kay Ruxle at nakangiti naman siyang tumango sa akin. "Hindi nga? Kailan pa?" "Noong nagdaang araw paunti-unti lang ang naaalala ko hanggang sa maalala ko na kanina lahat." Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinignan siya sa mga mata. Bumalik na nga siguro ang mga alaala niya, tinawag na akong Millish×t kanina eh. "Paano bumalik?" "Because you kissed me before." "ANO?!" Naitulak ko siya dahil sa sinabi niya. Sir×ulong ‘to! Ang ugali talaga kahit kailan. "Hoy Ruxle! Tigil-tigilan mo nga ang kalokohan mo." "I'm serious. Maybe you're right." "Anong sinasabi mo?" "Sabi mo baka ang makapagbalik lang sa alaala ko ay isang pangyayari sa nagdaang buwan na malaki ang epekto sa akin." "Sinasabi mo bang malaki ang epekto sa’yo ng ginawa

