MILLICENT'S POV "Ruxle, paano ko tatanggaling ito? Nakabaon sa batok mo ang controlling pin!" Nanghihina siyang tumingin sa akin at may itinuro sa ibabaw ng kutson niya, pinuntahan ko agad ang itinuro niya at nakita ko ang ilang tools na ginagamit ng mga doctor. "Ano ito? Scalpel... tapos..." hindi ako ganoon kapamilyar sa ibang gamit na ito! Scalpel lang ang alam ko. "U-use that to r-r-remove the controlling pin in may n-nape." "Itong mga ito? Gagamitin ko ito para alisin ang controlling pin sa batok mo? Ruxle, mga doctor lang ang gumagamit nito eh parang sinabi mo na rin na operahan kita!" "T-that's my p-point." Tulala akong napatingin sa kanya. Namimilipit na siya sa sitwasyon niya dahil sa sakit na idinudulot ng controlling pin, kailangan niya ang tulong ko ngunit hindi ko alam k

