MILLICENT'S POV Magdadapit hapon na ng makabalik ako sa amin, kakagaling ko lang din sa loob ng simbahan. Ganitong gulong-gulo ang isip ko ay iyon ang pinakatamang lugar na dapat kong puntahan, na nakalimutan ko na dahil puro sarili ko na lang ang iniisip ko sa nagdaang mga araw. "Excuse me?" May nabunggo ako kaya napatigil ako sa paglalakad. "Nakita mo ba ang ate ko? Dalawang linggo na siyang nawawala, kung ayos lang, pakitawagan o paki-chat na lang ako, salamat." May inabot siyang papel sa akin at nangunot ang noo ko ng makita ko ang mukha ko ay naroroon, mabilis kong hinawakan ang braso niya para mahabol ko. "Amelou." "Ha? Millicent!" Hinahanap daw ang ate niya pero hindi pa rin talaga nag-a-ate sa akin. Magaling. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa

