MILLICENT'S POV "Ate Millicent!" Nagsalubong ang kilay ko ng maabutan ko si Piav sa entrada ng kusina. "Madaling araw na. Bakit nandito ka?" Tanong niya sa akin at hindi ko magawang mawari kung ano ang naririnig ko sa tono ng pananalita niya. "Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, balak ko sanang kumuha ng maiinom sa kusina iyon nga lang ay nakarang itong si Pialv. "Gumilid ka nga, nauuhaw na ako." Saad ko at tinabig siya na ikinagulat niya. "Hindi na nga talaga siguro ikaw ang Ate Millicent ko." Marahas ang ginawa kong paglingon at sinagot ang sinabi niya. "Huwag kang mag-alala Pialv, hindi naman kita kaano-ano." "Una si Lelzie at kanina ay si Qatara. Sino na ang isusunod mo?" "Gusto mo ikaw ang sumunod?" "Sobrang sama na ng ugali mo, Ate Millicent o baka nga kahit

