Natapos nilang siyam na linisin ang buong Sector Watch sa buong magdamag. Ang mga babae ang nagma-mop at ang mga lalaki naman ang nagbubuhat ng mga tubig para ilabas iyon, ng matuyo ang paligid ay magkakasama naman nilang nilinis ang palibot ng silid na iyon. Si Pialv na may cystic fibrosis ay hindi na pinakilos masyado ni Ruxle sapagkat malaking problema kapag na-expose siya sa bacteria habang naglilinis sila, tagatingin lang siya ng oras at taga-abot ng basahan o kung anu-ano pang kailangan nila sa paglilinis. Dumating roon si Professor Ronaldo at nakitang maayos na ang buong silid kaya tulad ng ipinangako niya kagabi ay maaaring makausap ng siyam na subject ang isa sa mga mahal nila sa buhay. "Mauna na muna ako sa kwarto ko." Paalam ni Ruxle sa kanila at ang pasaway na si Starth ay

