MILLICENT'S POV "You need to eat, Millicent." Inangat ko ang tingin ko kay Ruxle na inaabutan ako ng isang pinggang pagkain. "Please, eat this." Umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko. "Millicent, kailangan mong magkaroon ng sapat na lakas. Kumain ka na. Lalo kang manghihina, niyan." "Wala akong gana." "Hindi matutuwa si Doctor Enrique at Thimo kung nagkakaganyan ka. Kumain ka muna." Sininghalan ko siya at tumayo sa kinauupuan ko. "Tigilan mo muna ako, Ruxle. Gusto kong mapag-isa." "Hey." Nagmartsa ako palayo sa lugar na iyon. Ayaw kong makipagtalo sa kanya, mabuti pang lumayo nalang muna ako. Sobrang gulo pa ng isip ko, napapagod na rin akong umiyak, hilam na sa luha ang mata ko. Kung bakit naman kasi napakasakit ng araw na ito. Una, nalaman ko na pinatay ni Professor Mateo si Th

