MILLICENT'S POV Pinagsiklop ni Professor Ronaldo ang mga kamay ko at ganoon nalang ang panginginig ng mga ito habang hawak-hawak niya. Ilang ulit muna siyang lumunok bago magsalita. "Millicent," panimula ni Prof kaya naman nagkarambola sa loob ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. "Professor Ronaldo at... Millicent, nandito pala kayong dalawa." Nabitawan ni Professor Ronaldo ang mga kamay ko ng dumating si Doctor Enrique. "Mukhang may importante kayong pinag-uusapan. Nakakaistorbo ba ako?" Si Professor Ronaldo ang siyang sumagot. "It's fine, Doctor Enrique. Tinatanong kasi sa akin nitong si Millicent kung sino ang papa niya..." "And?" "I was about to tell him who's her father is." "Oh? Really?" Kilala ni Professor Ronaldo ang papa ko at posibleng naririto rin s

