"Si Millicent ang sentro ng Blue Hour ngayon, walang Millicent, walang Blue Hour." Simpleng pahayag ng Propesor at lumapit kay Doctor Reyes saka hiningi ang syringe. "Ako na ang magtuturok ng gamot." "Professor..." Sinubukang makiusap ni Starth pero hindi naman siya pinakinggan nito, samantala si Ruxle ay walang nagawa kundi manahimik at mag-abang nalang sa susunod na mangyayari. "She'll be fine just in," nakangising sabi ng Propesor. "Ten seconds." Nagmamalaking sabi pa niya at dahan-dahang itinurok sa dextrose ni Millicent ang gamot. "Ten, nine, eight..." "Ruxle hindi mo man lang pipigilan si Professor Ronaldo?" Nanggagalaiting tanong ni Starth ngunit tanging pagbuntong hininga lang ang naisagot ni Ruxle. "Ruxle!" "Naisalpak na kay Millicent ang gamot, wala na tayong magagawa. Hinta

