"Bakit nandito kayo?" Magkasabay na tanong ni Starth at Ruxle sa mga dumating na medic kasama si Doctor Reyes. "It is Blue Hour." Simpleng sagot ng Doktor na nagpakulo sa dugo ni Starth dahilan upang masagot niya ng pabalang ang doctor. "Oh ano ngayon kung Blue Hour? Kahit pa golden hour ngayon ay wala kaming pakialam! Hindi pwedeng turukan si Millicent dahil sa kalagayan niya." Ipinaling ng doktor ang kaniyang ulo at sarkastikong ngumiti. "Kalagayan? Hindi ko alam na doctor ka na rin pala Mister Starthew Luther?" "Hindi sabi ninyo maaaring turukan ng anumang gamot si Millicent na hindi naman akma sa sakit niya!" Sigaw muli ni Starth at sa isang kisap mata lang ay hawak na niya sa kuwelyuhan ang doctor. "Starthew, kumalma ka." Saad sa kaniya ni Ruxle at hinila ng huli ang dulo ng dami

