Millicent's POV "Oh ano? Wala pa ba kayong balak na pumunta dito? Millicent! Starthew! Bilisan ninyo bago pa magbago ang isip ni tandang Ronaldo!" Nabalik lang ako sa ulirat dahil sa sigaw na iyon ni Verdlu na nakikipaglaro na ng bula kay Uztaki. Teka nga... tandang Ronaldo??! "Milli," muli akong tinawag ni Starth kaya nilingon ko siya. "Hindi gusto ni Eilia na nagkakaganyan ka, kaya mag-enjoy ka na." Pahayag niya at bigla akong pinitik sa noo na ikinangiwi ko. "Kakamatay lang ng kaibigan ko, Starth----aray!" Pitikin niya ulit ang noo ko sa ikalawang beses. "Pagkapasok mo palang ng SeeRange, namatay na ang kaibigan mo. Kaya ano pang hinihimutok mo diyan?" "Starth." "Ang sabihin mo, kakaalam mo lang kamo. Tsk! Late ka na para magluksa Millicent." Nakamot ko nalang ang ulo ko sa pi

