"Sh*t! It was LSD!" Matinding napamura si Ruxle matapos niyang suriin ang urine sample at blood sample ni Millicent. Ngayon kumpirmado na niya na nadr*ga nga si Millicent. "Papaano siya nasalpakan ng dr*ga?" Frustrated na tanong ni Ruxle sa sarili niya. Kanina matapos na makuha ni Ruxle ang mga samples na kailangan niya ay mabilis siyang nagtungo sa isa sa mga bakanteng lab test saka niya ginawa ang dapat niyang gawin at ito na nga nakuha na niya agad ang resulta. "Ruxle," si Starth iyon na kagagaling lamang sa ICU. "Si Milli?" Tanong ni Ruxle dito. "Nakatulog na ulit siya." "That's a good thing." "Oh anong resulta?" Tanong ni Starth at nakiusyoso sa mga ginamit ni Ruxle. "Tsk! Wala akong maintindihan sa mga pinaggagawa mo. Pwede sabihin mo nalang ang resulta sa akin?" "Positive."

