MILLICENT'S POV Napalingon ako kay Uztaki ng kalabitin niya ako. "Bakit?" "Tinatanong ko kung bakit mo kami hinahanap? I mean, bakit nandito ka at hindi kasama si Ruxle." "Ah—" Magaling. Lumulutang pa ang isip ko. "Nakita ba ninyo si Luna kanina?" "Hindi." "Mabuti kung ganoon. Basta kung nakita ninyo siya ay iwasan ninyo siya dahil isa siyang traydor balak niya kayong gawing Evolus." "That was insane, Milli. Bakit niya gagawin iyon?" "Ipinag-uutos ni Professor Ronaldo, alam mo na... may kapalit ang ginagawa niyang bagay na iyon. Tinakot ko na siya kanina sana lang ay huwag na siyang manggulo pa." "Si Qatara? Ayos lang ba sila?" "Hindi pa nagtatapo ang landas namin mula kanina... ligtas sila mula sa pagiging Evolus pero hindi ko masasabing ligtas sila sa mga Evolus, naiintindihan m

