Millicent's POV "Eilia!" Sambit ko at hinihingal akong napaupo sa kamang kinahihigaan ko. Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang paligid. "Nasaan ako?" Wala sa huwistyong tanong ko. May suwero sa kamay ko at may naririnig din akong tunog mula sa ECG monitor. Nasa hospital ba ako? Kung ganoon papaano ako napunta dito? Kanina lang ay kasama ko si Eilia na binalot ng kadiliman. "Nasaan si Eilia?" Nangingilid ang mga luha ko ng tinanong ko ang mga taong nasa paligid ko. "Nasaan si Eilia? Nasaan ang kaibigan ko?" "Millicent, kumalma ka muna." May lalaking lumapit sa akin na pilit akong kinakalma. Ngunit kahit na gusto kong kumalma ay hindi ko magawang kumalma. Nasaan ako at nasaan na si Eilia. "Ate Milli, kumalma ka muna. Paparating na si Doc Enrique para i-check ka." Nagsalubo

