MILLICENT'S POV Mukhang mananatili na ang kagaspangan ng ugali ko habangbuhay nito, kaya dire-diretso akong lumakad sa pagitan mismo ni Cedric at Lilly na nagpalayo sa kanilang dalawa sa isa't isa. Lalapitan ko pa lang si Eilia ay tumakbo na siya papalayo. "Eilia!" Sigaw ko sa pangalan niya ng dire-diretso siyang tumakbo at muntikan ng masagasan, swerte niya nahila ko siya pabalik. Namumula na ang mata niya pagkaharap niya sa akin. "Ano magpapakamatay ka ng dahil sa lalakkng iyon?" "Millicent... sabi ko naman sayo wala na akong babalikan dito." Alam ba niyang nakakatamad magpaliwanag ng magpaliwanag? Iniharap ko siya sa akin at sinampal nang ubod ng lakas kaya napatingin ang ibang tao sa amin. "Nahihibang ka na. Matapos ang lahat ng iyon magpapakamatay ka lang ng dahil sa may ipin

