NABABALOT ng usok ang paligid at sinoman ay wala ng makikita dahil sa kakapalan ng usok. Mabilis na nilapitan ni Ruxle si Millicent para hilahin ito palabas subalit hindi niya namalayang si Ofeill ang siyang nahila niya, nang bahagya silang makalayo sa lugar na iyon ay kaagad silang bumalik para balikan ang iba ngunit huli na ng mapag-alaman nilang nakuha na ito nina Professor Ronaldo. Dahil sa nalaman ay dali-daling tumakbo pababa si Millicent upang hanapin ang mga kaibigan niyang dinukot ng kaniyang ama, susunod na sana si Starth at Ofeill sa kaniya ngunit mabilis na iniharang ni Ruxle ang braso niya para pigilan ang dalawa. "May nakita akong ilang baril na tulad sa gamit ng mga Evolus sa hidden room sa loob ng office ni Professor Mateo." Pahayag nito na nagpakunot ng noo ni Ofeill.

