MILLICENT'S POV "Magagawa mo ba?" Umangat ang paningin ko sa babaeng nagsalita. Napakaayos ng postura niya habang suot ang sarili niyang doctor's gown. "Kaya mo bang patayin si Ruxle?" "Doctora Jaine." "I heard you. You are talking about killing Ruxle----wait... is that Starth?" Binaba ko ang tingin ko kay Starth na iniwan na talaga ako. Inangat ko ang tingin ko kay Doctora Jaine at tumango. "What happened to him?!" Dali-dali siyang lumapit kay Starth at tinignan ang mata nito bago kuhain ang stethoscope niya at pakinggan ang t***k ng puso ni Starth. Tangkang sasabihin niya sa akin ang natuklasan niya matapos na pakinggan ang t***k ng puso ni Starth subalit inunahan ko siyang magsalita. "Huwag mong banggitin. Hindi ko pa kayang tanggapin." "Okay. Uhm... oh gosh! I don't know what t

