MILLICENT'S POV Nahihirapan akong tanggapin na hindi ko makikita kaagad ang urn man lang ni Eilia ngayon, kahit na magwelga at magprotesta pa ako ay wala rin naman iyong mapapala dahil iyon ang desisyon ni Professor Ronaldo. Pagkalabas ko sa hardin ay lumuluha akong tumakbo papasok sa kwarto ko saka lumuhod sa altar na siyang nasa kwarto ko at nagsimulang magdasal. Ipinagdasal ko ang kaluluwa ni Eilia na sana ay suma-langit na kasama ng Diyos, ipinagdasal ko rin na sana ay maayos lang ang lagay ni mama at ng mga kapatid ko. Ipinagpasalamat ko naman ang panibagong araw na dumating sa akin ngayon kahit na nahihirapan ako. Inihingi ko rin ng tawad ang sarili ko sa dami ng kasalanang nagagawa ko sa bawat araw. Nang matapos akong magdasal ay nahiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame ngu

