DALA ng pagkapikon sa kaibigan ay nauna na si Millicent na bumaba, nang mapansin ito ni Eilia ay tanging pagkunot na lang ng kanyang noo ang nagawa niya saka niya nilingon si Cedric na pasimpleng tumatawa sa likuran nila. "Anong ginawa mo doon?" Salubong ang mga kilay na tanong niya sa dating kasintahan. Kibit-balikat naman itong sumagot. "Obviously, napikon ko si Millicent." "Bakit hindi ka na lang kasi nanahimik? Anong sinabi mo at bakit napikon iyon?" "Pssst! Tama na nga iyan." Kaagad na pumagitna si Washington sa kanila. "Sundan na lang natin si Millicent." Sabi pa nito at umangkla na sa braso ni Eilia. Nang makababa sila sa ikatlong palapag ay mabilis na binalot ng takot si Eilia nang makita niya si Professor Ronaldo na kausap ang kaibigan niya, nagsisimula ng manginig ang ka

