MILLICENT'S POV "Anong mayroon sa akin? Mga Vakla! Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Pumapangit na ba ang aking peyss? Kaloka! Sumagot kayo!!!" Naghihisterical na si Washington dahil sa tinging ipinupukol namin sa kanya kaya umiwas na lang ako ng tingin. Naguguluhan ako sa gustong mangyari ni Cedric. Anong mayroon kay Washington na makakatulong sa akin----sa amin na makapasok sa SeeRange. Oras na para tanggapin ko ang katotohanang wala na akong magagawa para pigilan silang sumama sa akin pabalik sa SeeRange. Ang kailangan ko na lang gawin ay pagkatiwalaan sila at dapat ay magtulungan kami, hindi ko na uulitin pa ang pagkakamali ko noon na sinarili ang lahat. "Hindi pa naman kumukupas ang ganda mo Washington." Sarkastikong sagot ni Cedric sa kanya. "Ang tanong, ang galing mo bilang

