MILLICENT'S POV "Who are you? What are you doing here?" Nakagat ko ang labi ko. May ibang tao rito! Lagot na. Anong gagawin ko ngayon nito? Hindi ako maaring mapahamak dahil kapahamakan din ang idudulot niyon kay Eilia. Paano ako tatakas nito? "I am asking you, now answer me, who are you?" Pinigil ko ang panginginig ng katawan ko, natatakot na ako ngunit kailangan gumana ng matino ang isip ko ngayon! Kung tumakbo nalang kaya ako pabalik sa taas? Gaano ba ako kabilis tumakbo at gaano kabilis tumakbo ang taong nasa likod ko ngayon. Paano nga ba dapat sukatin ang kabutihan ang isang tao? Lahat naman ng tao ay likas na mabuti at lahat din ng tao ay likas ma may kasamaan. Akala ko pa naman mabuti siyang tao dahil kahit may pagka-strikto siya sa amin ay nakikitungo pa rin siya ng maayos, m

