KABANATA 1

1537 Words
ELOI'S P O V " Ano ba 'yan!? Matagal na ulit Tayong magkikita! " mangiyak - ngiyak na sambit Ko nang sabihin ng Nag - iisa Kong Bestfriend na aalis na naman ito at gagampanan ang tungkulin sa Bayan sa pagiging Isang Sundalo. " Haist! Eto na naman po Kami! " pairap naman Nitong tugon kaya mahina lang Kaming natawa pareho. Kapag kasi nasa Destino S'ya ay hindi naman alam kung Kelan S'ya babalik at kung makaka - balik pa ba S'ya na Buhay. Kaya nag - yakapan lang Kami nang mahigpit tsaka natatawang nagbitiw din agad. Nandito Kami Ngayon sa Bahay Nila, particularly sa Kanyang Kwarto. Last Week lang S'ya umuwi tapos aalis din pala agad. Kapag talaga Nandirito S'ya sa Manila ay nagli - leave Ako sa Trabaho at Dito Kami sa Kanila nag - i- stay. Dahil pareho Kaming Home buddy ay kuntento na Kami kapag nasa Kwarto lang. Basta may Pagkain, Internet Connection at Netflix. Isa na Akong Businesswoman, binigyan kasi Ako ng pwesto ng mga Magulang Ko sa Kumpanya Naming Pharmaceutical Company. Pero kahit Dalaga na Ako ay si Lea pa rin ang nag - iisang Kaibigan Ko. Dahil laking Kumbento nga Ako ay kokonti lang ang naging ka - close Ko. Kahit nga mga Pinsan Kong Babae ay madalang Akong maki - join sa Kanila. Hindi Ko kasi maintindihan ang mga trip Nila sa Buhay, palibhasa ay mas Matanda Ako kesa sa Kanila. Kaya madalas ay nasa Bahay lang Ako, Opisina - Bahay, Bahay - Opisina lang ang routine Ko kapag Weekdays. Kung Weekend ay lagi naman Kaming may out of town Trip na Pamilya. Ang Tatlo Ko kasing mga Kapatid na Lalake ay pawang may mga Asawa na lahat. Kaya Ako na lang at mga Magulang Ko ang nasa Bahay Namin pati si Yaya at Kasambahay Namin. Kaya doble ang lungkot Ko kapag umaalis si Lea dahil S'ya lang ang nakaka - intindi sa Akin. S'ya lang din kasi ang nakaka - alam ng kamawalan Ko ng kamuwangan sa Mundo. Oo nga at Dalagang - dalaga na Akong pagmasdan, biniyayaan naman Ako ng maganda at Sexy na Katawan. Mahabang Buhok at maamong Mukha, maputing balat at malulusog na hinaharap. Honestly, marami naman ang lumiligaw sa Akin, pero ang kina - katakot Ko ay baka pag - tawanan lang N'ya Ako kapag nalaman N'yang wala Akong alam about sa mga Lalake at mga ginagawa ng mag - kasintahan. Kaya hanggang Ngayon na pwede na Akong magkaruon ng Boyfriend ay natatakot talaga Ako. Kahit nga tumabi lang sa Kanila ay nahihiya Ako, feeling Ko kasi ay baka mabuntis Ako. Kaya itong pag - alis na naman ni Lea ay siguradong makukul0ng na naman Ako sa Bahay at Opisina. Wala naman Akong magagawa dahil Silang lahat sa Pamilya ay nasa Military, si Lea at mga Magulang N'ya ay nasa Army, ang Tatlong Kapatid naman N'ya ay nasa Air Force, Navy at Coast Guard. Mabuti na nga lang at hindi Nila kagaya ang Trabaho ng mga Hipag N'ya. Pareho kasi Kaming Nag - iisang Anak na Babae sa Apat na magkakapatid. " Huy! Malungkot Ka na naman D'yan! " untag N'ya sabay siko sa Braso Ko, nakadapa kasi Kami sa ibabaw ng Kanyang Kama at nanunuod ng Movie sa T V. Kaya lang nabalik sa Kasalukuyan ang isip Ko. " Sino naman kasi ang hindi malulungkot? Magkaka - hiwalay na naman Tayo!? " simangot Kong tugon kaya natawa na lang ulit S'ya. " Tsk! Hindi Ka na nasanay sa Akin! " malungkot din naman N'yang saad tsaka S'ya umakbay sa Isang Balikat Ko at pinag - dikit ang Aming mga Ulo. " Kung ba namang nag - aasawa Ka na! 'De sana, Nadirito Ka na rin sa Manila! " palusot Ko lang para hindi Ako maiyak kaya natawa naman S'ya nang malakas. Ganuon kasi ang ginawa ng mga Kuya N'ya, mula ng nagka - asawa ay naglipat Sila ng mga Department. " Wala ngang Boyfriend eh, Asawa pa kaya!? " natatawang tugon N'ya, " Tsaka Ikaw itong nasa Manila pero wala pa ring Nobyo!? " tukso pa N'ya kaya bumitiw naman Ako sa pagkaka - akbay N'ya kaya tawa lang S'ya nang tawa. " Alam Mo naman kung Bakit, wala pa hanggang Ngayon eh. " malungkot Ko pa rin namang tugon. " Baka Tatandang Dalaga na talaga Tayong Dalawa! " pabirong wika pa N'ya na tinawanan Ko lang naman. Meron naman Nanliligaw sa Kanya pero dahil sa Trabaho N'ya at Ranggo sa Military ay natatakot sa Kanya kaya hindi na itinutuloy ang panliligaw. "Siguro nga! " sang - ayon Ko naman kaya nagka - tawanan na naman Kami. Paano nga naman kasi S'ya magkaka - lovelife eh, bukod sa busy S'ya sa Kanyang Sinumpaang tungkulin ay takot nga ang mga Lalake sa Kanya. Baka may magka - gusto man sa Kanya ay h'wag muna N'yang sasabihin kung Ano ang Kanyang Trabaho at Ranggo sa Military. Dahil nga ayaw Namin ng malungkot ay iniba na lang Namin ang usapan. Kaya Ilang sandali lang ay natatawa na Kami sa Aming mga kalokohan. Binabalikan lang kasi Namin ang mga Classmates Namin nu'ng High School na laging napapa - galitan ng mga Madre. Kaya ang ini - off na lang Namin iyong T V Set. At nag - kwentuhan na lang. Tama nga siguro S'ya, baka nga Kapalaran Namin ang tumandang Dalaga. Kami lang ang Babae sa Pamilya Namin tapos tatanda pa!? Bulong Ko na lang sa Sarili Kong natatawa. Sayang naman ang Lahi Namin, kung hindi paparamihin. _ _ _ " Mag - iingat Ka! Kapag may niligtas Kayong Pogi, akitin Mo na agad! " pabirong bilin Ko pa sa Kanya, ayoko nga kasing maging emotional sa harap ng Pamilya N'ya. Lagi Ko namang bilin iyon pero wala pa rin naman S'yang pina - pakilalang Nobyo. " Sige! Sige! " sambit naman N'ya na may patango - tango pa, tsaka Kami nag - yakap na mahigpit. Pagka - bitiw Namin ay Pamilya naman N'ya ang yumakap sa Kanya at nagbilin. Sabay sabay naman Silang nag - bakasyon ng Kanyang mga Magulang pero magtatagal ang nga ito Dito sa Manila dahil may aayusin daw sa Kanilang pagre - retiro. Hindi Ko rin naman masisisi ang Kaibigan Kong mag - military dahil lahat ng Pamilya N'ya ay iyon ang mga Trabaho. Umpisa sa Lolo, Lola, mga Tito, Tita at mga Pinsan Both Side ay nasa Military o related Duon ang Kanilang Trabaho. Hindi naman nagtagal ay tumaas na sa Himpapawid ang Sinasakyan N'yang Chopper. Nang hindi na Namin makita iyon ay tsaka lang Kami tumungo sa Parking Lot ng Air Base kung Saan naka - park ang sinakyan N'yang Chopper. Nanduruon din kasi ang mga Kotse Namin, humalik muna Ako sa Pisngi ng mga Magulang ng Bestfriend Ko, dahil nga kasj sa tagal Naming magkaibigan ay Daddy at Mommy na rin ang tawag Ko sa Kanila at Kuya naman sa mga Kapatid N'yang Lalake. Bago Ako sumakay sa Kotse Ko, ganuon din Sila. Ilang sandali nga ay nasa loob na Ako ng Opisina Ko at naka - upo sa Aking Swivel Chair. Pero ginugulo Ako ng mga narinig Ko Kanina sa Elevator, may nakasabay kasi Akong mga Employee Namin. Wala naman kasi Kaming Private Elevator kaya talagang nasasabay Namin Sila. Hindi naman Nila Ako pansin, sa likod at sulok kasi Ako naka - pwesto. Busy kasi Sila sa pag - tingin sa Screen ng Kanilang mga Cellphone. Pero ang hindi Ko maintindihan sa pinag - uusapan Nila ay mag - ana - ana na naman daw Sila ng Kanilang mga Boyfriend at mag check daw sa Isang M0tm0t. Nakababa na Sila ay Nanduruon pa rin Ako dahil sa susunod na floor pa ang Private Office Ko. Iyon ang hindi mawala sa isipan Ko, nahihiya naman Akong magtanong sa Aking Secretary. Baka kumalat pa sa buong Kumpanya Namin. Nasa Misyon naman na si Lea kaya hindi Ko rin naman matawagan, minsan kasi ay sa Kanya lang Ako nagtatanong ng mga naririnig Ko. Pero dahil may misyon nga Sila Ngayon ay hindi Ko pwedeng istorbohin hanggang sa matapos. Kaya minsan ang ibang itatanong Ko sana ay nakakalimutan Ko na. Humugot muna nga tuloy Ako ng malalim na buntong hininga dahil sa walang magawa. Naisip Ko ring ang hirap din pala ng wala Kang alam sa Buhay, lalo na ang tungkol sa Opposite S3x. Para Kang bola na hindi Mo alam kung Saan Ka pupunta dahil wala Kang direksyon. Nahihiya na rin Akong magtanong kay Yaya dahil nga Matanda na Ako ay hindi Ko pa rin alam ang ibang mga bagay - bagay. Sabihin pa N'yang hindi Ako marunong makinig. Ang alam Ko kasi na pwedeng mag - check in ang mga Tao ay sa Hotel. Tsaka iyong ana - ana ay 'di ba, Name iyon ng Isang Babae? Tapos iyong M0tm0t naman ay baka Isang klase ng torotot? Kausap Ko pa sa Sarili Ko, ng wala Akong makuhang idea sa Aking mga napa - kinggan. Kaya Isang buntong hininga pa at ipinilig Ko na ang Ulo Ko para mawala sa isipan Ko ang mga iyon. Tsaka Ko inumpisahan ang Aking Trabaho, ito naman ang maipag - mamalaki Ko dahil tumaas ang Sales Namin mula ng Ako ang umupo as Marketing Head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD