ELOI'S P O V " Ready!? " malambing na tanong ni Lance sa akin, tumango naman ako at ngumiti na rin. " Okay! Magpa - alam lang ako kila Tito at Tita. " wika naman n'ya tsaka sabay na kaming bumalik sa loob ng bahay namin. May family outing kasi sila Lance sa Subic, pinag - paalam n'ya ako sa mga magulang ko at gusto rin naman ng parents ni Lance na kasama ako. Ngayon nga ang alis namin, sinundo pa n'ya ako para kami raw dalawa ang sabay sa pagbyahe. " Good morning po, Tito, Tita, ahm, alis na po kami ni Eloi. " magalang muna n'yang bati, bago nagpa - alam. " Sige! Mag - iingat kayo! " tugong bilin naman ni Daddy " Opo! " sabay naming tugon ni Lance kaya nagka - tinginan kami at nagpigil nang tawa at baka tanungin kami ni Daddy kung sino ang pinag - tatawanan namin. " Eto! Baunin

