ELOI'S P O V " Oh my God! Best friend! In love ka na! " mahinang tili nang kausap ko sa kabilang linya. " Sus! In love ka d'yan!? Kung magsalita parang in love ka na din eh. " paingos ko pang tugon, hindi talaga ako naniniwala sa sinabi n'yang marunong na raw akong magmahal. Pakikipag - kwentuhan nga kay Lea ang inatupag ko pagkalabas ng sectretary Ko sa aking office, nagpadala kasi ako ng isang tasang kape. Ayoko na sanang uminom nuon para mabawasan naman ang kabog ng dibdib ko pero wala pala kaming ibang kape sa aming pantry. Tiningnan ko pa ngang mabuti kung naka - lock nga ang pinto ng office ko. Nakakahiya naman kasi kung maririnig ako ng employee namin. " Hindi nga, pero iyon naman talaga ang nararamdaman kapag in love ang isang tao, 'di ba, pinag - aralan natin iyon dati, ang

