Summer POV Napatingin ulit ako sa aking Relo ko. Jusko mag 7pm na wala pa din si Empress. Nasaan na kaya yun. Hindi na ako mapakali dito. Baka ano ng nangyari sa Bestfriend ko. Wag naman sana. "Babe Okay kalang?" Napalingon naman ako at Nginitian si Asul. "Ewan ko Babe, Hindi na talaga kasi ako mapakali eh. Hanggang ngayon wala pa din si Empress, babe hanapin na natin siya please." Naiiyak kong sabi. Hinawakan niya naman ang magkabila kong pisngi at tinignan ako sa mata. "Hahanapin namin si Empress pangako yan babe, Please dont cry. " Napayuko naman ako at hindi mapigilang maiyak. Hindi ko nalang sana pinayagan si Empress na Umalis edi sana ngayon nandito siya. Kasalanan mo to lahat Summer eh! Wala kang kwentang kaibigan! "Shh, Wag kanang umiyak babe, Please." Sabi ni As

