Empress POV. "Feeling ko wala akong karapatang umiyak" napatingin naman kami kay summer ng sabihin niya yun. Nakatingin lang siya sa puntod nina Andrew at Mikaela. Napagpasyahan kasi naming tatlo na dumalaw dito at humingi ng sorry sa nagawa namin. "Feeling ko tuloy ang sama kong tao" Malungkot na sabi ni summer at nag punas ng luha. Nakita ko namang inirapan siya ni nicole. "Kasalanan din naman nila yun, kung hindi sana tumakbo si mikaela edi sana hindi siya masasagasaan no duh" "Nicole! Ano ba, nasa harapan lang natin sila" Saway ko sa kanya. Hindi naman siya nag salita. Nalaman na din namin kung bakit ganun nalang ang galit ni devon sa amin lalong lalo na sa akin. Makalipas ang isang linggo nang sumugod ako sa bahay ni devon, nakipag kita sa akin si lance. Pumayag naman ako, h

