NICOLE POV. Maaga akong gumising ngayon, gusto ko kasi libutin ang farm nila Lola Elizabeth at lolo Alfonzo. Mamaya nalang siguro akong hapon uuwi ng Manila. Gusto ko pang mag libot libot. "Oh, Ang aga mo naman sigurong nagising hija?" Tanong sakin ni manang gellie ng makasalubong ko siya sa may sala. "Ah opo, gusto ko kasi libutin ang buong farm" nakangiti kong sabi kay manang gellie. "Ganun ba? Gusto mo ipasama ko sayo ang anak ko na si CJ?" "Nako! Wag napo manang Gellie. Kaya ko naman ang sarili ko" Hinawakan naman si manang gellie ang kamay ko. "Ano kaba kailangan mo nang kasama sa pag lilibot sa buong farm masyadong malaki baka mawala ka" Ngumiti naman ako bago sumagot. "Sige po, kayo bahala" -- "A-ah maam Nicole d-dito po tayo" Sabi ni CJ at tinuro ang daan. Nginitian ko

