Nicole POV. "H-hmm..H-hiro gusto mo pa ng cupcake? M-may cupcake pa ako d-dito hehe" "A-ahh..s-sure.." Seryoso ko namang tinignan sina Sean at Empress. Anong nangyayari sa dalawang to? Parang Laging na tetense? May tinatago ba ang dalawang to? Sinulyapan ko naman si Bunch na kanina pa nakatingin sa Cellphone niya nag f*******: siguro. Kinalabit ko naman siya. "Hoy Ungs.." Tinignan ko naman si terrence. Aba! Di niya ba ako narinig. Tiniwag ko naman siya ulit. "Ungs!" Tinignan ko naman siya ng masama. Ahh! Ganern! Dedma lang ang peg? Bahagya naman akong lumapit sa kanya at Kinurot ang Tagiliran niya. "ARAAAAY!!!" Napasigaw naman siya at napasigaw. Napahawak naman siya sa may bewang niya at tinignan ako ng masama. Napatigil naman sina empress sa pagkain at napatingin sa amin

