Chapter 31 "Wow! Very good!" masayang bulalas ni Zawi nang makita ang gawa ng kanyang anak. Tatlong taon na ito ngayon. "Ang galing talaga ni Ava!" namamanghang sambit niya habang tinitingnan kung gaano kaganda ang pagkagawa ng kanyang anak sa cookies nito. Tinuruan niya kasi itong mag-bake dahil may libre siyang oras para makasama ito. "Thank you, Mommy," nakangiti nitong usal bago ito humalik sa kanyang pisngi. "Ipakita natin kay Tita Lou?" Ngumiti siya sa anak. "Okay po," anito bago nagtatalon-talon upang tawagin si Lou. Nagpapahinga sa sala ang kaibigan niya dahil day off nito sa trabaho. Isa na itong ganap na Nurse habang siya ay nakapagtayo na ng sariling bakeshop. Ang Zawi's Happy Place. Masaya siya sa buhay niya ngayon. She doesn't claim negative energy. "Tita Lou!" malakas n

