Maaga nagising at bumangon si Nico upang magluto. Lunes na lunes ngayon at kinailangan niyang mag-shift ng kurso. Ngayon, pipiliin niya na talaga kung ano ang idinidikta ng dibdib at isip niya. Kung saan siya magaling. Kung saan p’wede niyang ipagyabang.
Ang pagiging engineer. Tinawagan niya ang pinsang si Ridge, engineering student din ito at matagal na siya nitong pinipilit mag-shift kaso hindi naman siya pinapayagan ng kanyang ina.
“Yow!” sagot ni Ridge sa kabilng linya. “Ang aga mo naman akong na-miss,” tumatawang anito.
“Ulol! Samahan mo ako mamaya. Sa engineering na rin ako, dre. Pumayag na si Daddy!” nakangiting sambit niya. Pansin niyang natigilan ito nang marinig ang sinabi niya.
“W-What?”
“Pareho na tayo ng kurso! Umayos ka nga riyan!” paasik niyang singhal rito.
Narinig niya itong napasinghap. “Talaga? Wow! That’s good, dre! Congrats! Mabuti naman at pumayag ang erpats mo? Paano nga pala ang ermats mo?” usisa nito.
“I don’t know. Si Daddy lang ang pumayag, eh. Hindi talaga kaya ng utak ko ang pagdo-doktor,” nakangiwing pahayag niya habang inaalala ang mga inaaral niya noong nakaraan. Halos masuka na siya dahil hindi inaabsorb ng utak niya ang kanyang binabasa. Paano na lang kaya kapag nasa realidad na?
“Good ‘yan, dre. Sige, hintayin mo ako sa school,” wika nito.
“Ulol! Ikaw pa talaga ang hihintayin ko? Hoy, bilisan mo riyan at ayaw kong ma-late sa klase! Tamad ka pa naman bumangon. Maligo ka na, bye!” mabilis na sabi niya saka naligo na rin. Pagkatapos ay kaagad siyang pumasok.
“Bakit ang tagal mo?” ungot niyang tanong nang makita ang kapapasok lang na pinsan.
“Dre, kapapasok mo lang din. Huwag kang magdrama riyan,” iiling-iling na sagot nito. “Magkasunod lang tayo!” nakangiwing sambit nito.
Tinawanan niya lang ang pinsan. “Excited na ako,” komento niya.
“Alam ko,” tumatawang sagot nito.
Nang matapos siya sa pag-enroll ay sabay silang pumasok sa magiging room nila. “Wow! Ang cool dito, dre. Sana pala ito talaga ang kinuha ko, ‘no? Hindi na sana ako naghirap!” namamanghang saad niya nang makita kung gaano ka-cool ang silid na pinasukan nila.
Pang-engineer talaga. Hindi kagaya doon sa medical na kailangan palaging malinis. Kailangan wala silang makikitang ikakapintas sa ‘yo.
“Dre, nagkausap na ba kayo ng mommy mo?” tanong nito.
Nawala ang ngiti sa mukha niya nang marinig iyon. “Panira ka naman, eh,” nakangusong bulong niya sa pinsan dahil nasa harap na ang propesor nila. Ngumiti lang ito sa kanya ngunit ramdam niyanga pati ito ay kinakabahan. Lagot siya sa kanyang ina kapag nalaman nito ang ginawa niya.
Nang matapos ang klase ay kaagad silang pumunta sa cafeteria. Bumili siya ng isang sandwich at apple juice. Natigilan siya nang makita ang binili. Naalala niya ang ibinigay sa kanya ng dalagang si Zawi.
“Thank you,” nakangiting usal niya habang iniaabot sa kanya ng tindera ang pagkain. Ngumiti lang din ito sa kanya saka hinarap ang iba pang costumer.
“I didn’t know you like children’s food, Nico,” nakataas ang kilay na tanong ng pinsang si Ridge habang ang mga mata ay nakatuon sa bitbit niya.
Nagkibit-balikat siya bago nagsalita. “Shut up!” pambabara niya rito. Alangan namang sabihin kong dahil ito sa babaeng isang beses ko lang nakita?
“Seriously? What’s the reason?” hindi tumitigil na usisa nito.
“Tss! I’m just hungry. There’s no reason behind it,” nakangiwing sagot niya sa pinsang nanunukso ang mga tingin. Pilit niyang nilalayo ang usapan sa pagkain.
“Really? Look,” turo nito sa juice niya. Kunot-noo niya itong tinapunan ng tingin.
“Bakit? What’s wrong with these?” naguguluhang tanong niya rito.
“There’s nothing wrong with those food. There’s something wrong with you,” anito, nagtataka.
“W-What?” utal niyang tanong.
“Haha! Dude, you’re not eating those foods back then. Sabi mo pa, pang-pulubi ‘yan. Seriously, a pack of juice?” pagpapaalala nitong tanong.
Nagkibit-balikat lang siya. “People change,” iyon na lang tanging naisagot niya.
Mataman siya nitong tinitigan. Mga tinging hindi naniniwala. “I’m serious,” pinal na usal niya.
“Okay,” he shrugged.
“Tss. Kumain ka na lang!” asik niya saka nagsimula na ring kumain.
Mahigit isang oras din ang vacant period nila kaya tumambay muna sila sa Cafeteria. Dahil nakaramdam ulit siya ng gutom ay bumili siya ng nutella bread at isang ice tea. “I think I’ll have that too,” komento ng pinsan nang makabalik siya at umupo nang mabilis. Nang-aasar ang mukha nito dahil hindi pa rin nito makalimutan kung bakit umiinom siya ng Zest-o.
Tumango siya rito. “Yeah, just buy it,” nakangiwing saad niya. Siniringan siya nito. Inambaan niya ito dahil nakakainis ang mukha ng kanyang pinsan. Pinanood niya lang ang pinsan habang namimili. Hindi nagtagal ay may lumapit ritong magandang babae. That’s Ridge Montefalco- the playboy.
“Tsk!” tumatawang aniya habang pinagmamasdan ang paglalandi ng pinsan. Matamis itong ngumiti sa dalaga. Iniiwas na lang niya ang paningin.
Nakatuon lang siya sa labas ng Cafeteria habang kumakain. Natulala siya nang mahagip ng kanyang paningin ang isang dalagang naglalakad sa pathway. Nakasuot ito ng hoodie jacket kahit pa ang init ng panahon. May bitbit itong dalawang libro at isang maliit na black shoulder bag. May kinawayan ito sa hindi kalayuan habang nakangiti. Huminto ito sa mismong tapat niya habang may hinihintay. Hindi niya inaasahang lilingon ito sa gawi niya at magtama ang kanilang paningin. Ngumiti ito sa kanya bago ibinalik ang paningin sa hinihintay.
He shake his head to wake his senses up. He was smitten by those sweet smile. Bago pa man siya makapag-react ay wala na ang babae. Naikuyom niya ang mga palad dahil sa pagkakadismaya. “I’m so slow!” marahang singhal niya sa sarili.
Mabilis siyang lumabas at iginala ang paningin sa paligid. Wala nang bakas ng bulto nito. Dismayado siyang bumalik sa loob upang mabungaran lang din ang nanunukso at nagtatakang tingin ng pinsan. “What’s wrong with you?” tanong nito nang maupo siya sa harap ng binata.
Umiling siya. “Namamalikmata yata ako,” nakangiwing sagot niya rito.
“Bakit? May nakita ka bang multo?”
Umiling ulit siya. “Wala ‘yon,” tipid niyang sagot. “Bilisan mo na. Male-late na tayo,” dagdag niya pa.
Nagugulat namang sumunod sa kanya ang pinsan. Nagtataka sa inaasta niya.