Chapter Eleven : Move On
_________________________________________
BUMUSANGOT ang mukha ko nang biglang inagaw sa akin ni Clyde ang clubhouse sandwich na ginawa ko kanina para kainin ngayong umaga habang nakahiga ako sa nakalatag na blanket dito sa buhangin ng beach.
"Ibalik mo nga 'yan sa akin! Nagugutom na ako, Clyde!" inis na pakli ko.
Tumawa naman siya nang malakas at itinaas ang kamay niyang may hawak-hawak na sandwich upang ilayo ito sa akin.
"Clyde, ano ba!" inis na ani ko.
"Abutin mo muna," he teased at mas lalo pa niyang pinalayo 'yon sa akin. Pilit ko namang inaabot 'yon at dahil sa kakulitang taglay niya, ayun at agad na natumba ito sa buhangin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niyang hinigit ang kamay ko dahilan upang dumagan ako sa ibabaw niya.
"Clyde!" tili ko.
Narinig ko siyang tumawa nang malakas. Naningkit naman ang mga mata ko at hinampas ko ang dibdib niya.
"Kainis ka naman, eh!" inis na pakli ko at hinampas ulit ang dibdib niya.
Aalis na sana ako mula sa pagkakadagan ko sa kanya ngunit bigla niya akong hinigit at niyakap. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Clyde..." usal ko.
Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
"Let's stay like this for a while, Fallon. Alam ko kasing hindi na ulit mangyayari 'to," mahinang bulong nito.
Kumunot naman ang noo ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
"Wala!" sagot niya at naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa buhok ko. "I would always be your bestfriend, Fal. And I'm hoping that in the end we'll both find our own happiness. Someday it will," malumanay na dugtong nito.
"Clyde, hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo? Of course, ikakasal na naman tayo."
Ngumiti lang ito at hindi na umimik pa. Mariing ipinikit ko nalang din ang mga mata ko at hinayaang manatili kami sa ganitong posisyon.
Clyde is my bestfriend, silang dalawa ni Kean. I love them both. At isa sila sa mga importanteng tao sa buhay ko.
"What the hell!" dinig kong mura nang kung sino.
At bago ko pa tuluyang maimulat ang mga mata ko ay may kung anong puwersang humila sa akin patayo. Pakiramdam ko mapupugto ang braso ko sa paraan nang pagkakahila nito. Tinignan ko naman kung sino iyon at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Reigan!" impit na bulalas ko nang makitang sinuntok niya bigla si Clyde na kasalukuyang nakahandusay ngayon sa buhangin habang dumudugo ang gilid ng labi nito.
"How dare you!" galit na galit bulyaw ni Reigan dito.
At akmang susugod ulit ito kay Clyde upang sipain ang lalaki ay agad kong pinigilan ang braso niya at hinila siya palayo.
"Reigan! Stop it!" galit na usal ko at buong lakas na hinila siya palayo.
"No!"
Nagpumiglas siya at kumawala kaya tumakbo ulit ako at hinila ang braso niya.
"I said stop it!" inis na inis na bulyaw ko.
Ngunit mukhang sobrang tigas ng ulo ng lalaking ito at hindi nakikinig. Biglang sinuntok ulit ang nakatayong si Clyde ngayon. Mabuti nalang at nakaiwas ito. Kaagad na hinila ko ulit ang braso niya at itinulak ko siya palayo.
"Tama na! Ano bang problema mo?"
Ngunit imbis na pagtuunan ng pansin ang sinabi ko ay galit na galit na bumaling ito kay Clyde at dumuro.
"You have no right to touch my wife!" galit na bulyaw nito kay Clyde.
Natigilan naman ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko may kung anong bumundol sa dibdib ko nang marinig 'yon.
"Wife?" dinig kong tanong ni Cylde na may halong pangungutya. "She isn't your wife anymore, Mr. Montenegro. Your marriage with her is already annulled four years ago."
"You-----!" akmang susugod ulit si Reigan ngunit itinulak ko siya palayo.
"Umalis kana!" taboy ko sa kanya.
Bumalot ang kirot sa dibdib ko nang makita kong bumadya ang kirot sa mga mata nito.
"Fa-Fallon...." he said hopefully.
Umiling naman ako kaya mas lalong bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
"Reigan!"
Sabay na lumingon naman kami nang marinig ang boses na tumawag sa kanya.
Mas lalo akong namutla at pakiramdam ko ay mapuputulan ako nang hininga.
"A-ate Charlotte!"
Bumadya ang kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa mga mata nito.
"Mag-usap tayo," she said coldly to Reigan.
Akmang lalapit ako sa kinaroroonan niya ngunit umiling lang siya kaya natigilan ako bigla. Tinalikuran niya kami at naglakad siya palayo sa amin.
"I'..I'm sorry," Reigan said bago tuluyang sinundan si Ate Charlotte.
Bumigay ang tuhod ko sa sobrang panghihina. Mabuti na lang at nasalo agad ako ni Cylde bago pa ako tuluyang bumagsak sa buhangin. Hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko.
"Shhh...Don't worry. Everything would be okay," malumanay na sabi ni Clyde sa akin.
Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko.
Sana nga...
Sana nga maging maayos na ang lahat....
Ayokong masaktan si Ate Charlotte kaya nga as much as possible ayokong malaman niya 'yong mga nangyari noon. Dahil natatakot akong magalit siya sa akin nang dahil sa ginawa ko. At mas lalong ayokong masaktan siya ng husto.
***************************
SUMAPIT ang gabi at kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kwarto namin ni Ate Charlotte. Hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Reigan at Ate Charlotte sa Villa. Tapos na kaming maghapunan at kasalukuyan nang nagpapahinga sa loob ng kwarto niya si Cylde and it's already ten o clock in the evening at wala parin sila.
Sa sobrang kabang nararamdaman ko ay naisipan ko munang bumaba sa kusina upang uminom ng tubig. Mas lalong tumahip ang kaba sa dibdib ko nang maabutan si Reigan na nakatulala habang nakaupo sa silya na may hawak-hawak na tubig. Mukhang naramdaman naman niya agad ang presensiya ko kaya napalingon siya sa gawi ko. Napalunok naman ako nang magtama ang mga mata naming dalawa.
"Si...si Ate?" kinakabahang tanong ko.
Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko.
"Umalis na siya kaninang hapon matapos naming mag-usap kanina. Nauna nang umuwi," malamig na sagot nito.
Napalunok naman ako.
"A-alam na ba niya?"
Alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Pakiramdam ko nanginig ang tuhod ko nang bigla siyang tumango bilang sagot.
"I...I can explain everything to her. Kakausapi-----"
"Fallon," putol nito sa anumang sasabihin ko.
Umiling naman ako at tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Uuwi ako. Kapag naipaliwanag ko sa kanya ang lahat maii------"
"FALLON!" he screamed that made me cry even more.
Napapiksi pa nga ako sa sobrang lakas ng boses niya. Napahagulhol na ako nang iyak at napahawak pa ako sa hamba ng pinto. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang mga bisig niyang yumakap sa akin. Kumawala naman ako mula sa kanya.
"Hindi!" naiiyak na ani ko. "Hindi! Kung makakausap ko siya------"
"Tama na," mahinang usal niya.
Umiling-iling naman ako.
"Magkakabati pa kayo, Reigan. Sasabihin ko kay Ate na ako ang may kasalanan. Na hindi mo 'yon ginusto. Na napilitan kalang....."
"Mahal kita," biglaang pag-amin niya.
Pakiramdam ko may kung anong kumalabog sa dibdib ko.
"Mahal kita, Fallon. Mahal na mahal kita."
Umiling naman ako sa sinabi niya. Noon gustong-gusto kong marinig ang mga katagang 'yon mula sa kanya. Pero ngayon, ayoko na. Kasi alam kong hindi na 'to tama.
"Nagkakamali ka, Reigan. Si Ate Charlotte ang mahal mo at hindi ako," pagbibigay diin ko.
Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit agad ding nagmulat. Pakiramdam ko bigla akong namanhid nang bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
"Akala ko malabong mangyari 'yon," mapait na saad niya. "Ngunit nang mawala ka...Hi-hindi ko alam---"
Hindi naman nito nagawang ituloy ang anumang sasabihin nito dahil biglang bumagsak ang mga luha sa mga mata nito. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon.
"Mahal na pala kita ng mga oras na nagalit ako sa 'yo noon dahil nakita kitang may kasamang ibang lalaki, Fallon. At alam kong nagu-guilty ka sa nangyari noon para sa Ate mo. At iyong nangyari kanina, alam kong nasaktan ko siya, nasaktan kita, at mas lalong nasasaktan din ako ngayon pero wala akong magawa kasi mahal kita. Hindi ko man ito inaasahan pero nangyari na. Minahal kita at mahal parin kita hanggang ngayon kahit na apat na taon tayong hindi nagkita."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta't isa lang ang alam ko....
Nasasaktan ako.
Hindi ko alam kung bakit. Kung para saan. Basta't nasasaktan ako.
"Minahal ko ang Ate mo noon ngunit ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo ngayon......" Napalunok siya at sandaling pumikit bago tuluyang dinugtungan ang anumang sasabihin niya. "Hindi ko alam pero pakiramdam ko, mababaliw na ako kapag hindi ka pa bumalik sa akin."
"O-okay naman tayo. Naging okay naman tayo simula ng maghiwalay tayo, Reigan," pilit kong pinagdidiinan sa kanya.
Baka marealize niya sa huli na mali lang siya. Na si Ate talaga ang mahal niya at hindi ako.
"Akala ko rin magiging okay ako kapag nawala ka, Fallon. I thought everything will be back on how it should be. Pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso ko sa bawat araw na gumigising ako." Natigilan naman ako nang dahil sa sinabi niya. "Alam kong kasalanan ko ang lahat. Dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit ka umalis. I pushed you away kasi akala ko wala akong nararamdamang iba sa 'yo kundi galit. My feelings became in hazed kasi hindi ko matanggap sa sarili ko na nagseselos ako noon kay Cylde nang makita ko kayong magkayakap. Akala ko kapag itinaboy kita, babalik sa dati ang lahat. But months after you're gone, mali pala ako because I experience worst than that."
Napahikbi naman ako sa sinabi niya.
"Ayokong magpaka-selfish, Fallon. Ayoko ng ganoon kasi alam kong hindi tama. Pero kasi hindi ko kaya....hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Alam kong mali. Alam kong hindi pwede. Alam kong masasaktan ko ang Ate mo. Ikaw. Ngunit hindi ko kaya. Everytime I see you, it made my heart yells in pain just thinking I can't have you anymore. Pakiramdam ko gumuguho ang mundo ko kapag nakikita kita sa piling ng lalaking 'yon."
Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko.
"Loving you is a mere destruction. I easily lost all my control. But loving you also is my life. I can't live without you. Please, give me another chance. Come back to me."
Mariing napapikit naman ako nang dahil sa sinabi niya. Kahit gustuhin ko man alam kong hindi na pwede. Alam kong hindi na tama 'to.
"Reigan," I uttered his name like it was the sweetest honey. "I asked you before kung mali bang ipagpilitan ko ang sarili kong mahalin mo rin ako."
Bumalatay ang sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ipinagpatuloy ang anumang sasabihin ko.
"Yes, Fallon. That's what exactly the words you said to me. Kaya ngayon isa lang ang masasabi ko. Tama na. Huwag na nating ipilit ang bagay na hindi naman pala para sa atin."
Hindi ko inaasahang mangyayari 'to.
Oo, pinangarap ko pero huli na ang lahat.
And even if it hurts I need to tell this to him. Kahit hindi man ito totoo pero ito ang tama.
Ang tamang gawin para sa aming lahat.
"I'm sorry but I don't love you anymore. I totally move on. You should too..."
-
♡lhorxie