#TheSecondHusband CHAPTER 77 Sa wakas ay nakarating na ang sinasakyan kong bus sa Baguio. Huminto ito sa isang terminal. Isa-isa nang nagsibabaan ang mga pasahero. Hindi na ako nag-atubili pang tingnan ang katabi ko, kaagad ko ng kinuha ang bagpack ko saka isinukbit iyon sa aking balikat saka nagmamadaling bumaba ng bus. Sa aking pagbaba ay sumalubong sa akin ang may kalamigang simoy ng hangin. Tipid akong napangiti dahil napaka-presko nito sa aking pakiramdam. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naiwasang tumingin muli sa pintuan ng bus at saktong bumaba siya, mataman siyang nakatingin sa akin. Umiwas na lamang ako nang tingin saka naghanap na lamang ng masasakyan papunta sa sadya kong puntahan dito. Maswerte at may mga tricycle na nakaparada sa bandang gilid

