#TheSecondHusband CHAPTER 69 Umiiyak si Mama na tumawag sa akin. Biglaan at sa totoo lang, hindi ko maiwasang kabahan at isipin ang dahilan kung bakit siya umiiyak. “Ma... Bakit ka umiiyak?” tanong ko. Patuloy lang kasi siyang umiiyak. Narinig kong suminghot-singhot siya saka bumuntong hininga. “Ma...” “Ang Papa Greco mo... gusto ng makipaghiwalay sa akin.” Garalgal ang boses na sabi niya at muli na naman siyang napaiyak. Tila bomba na sumabog iyon sa harapan ko. Kasabay ng naririnig kong pag-iyak ni Mama, ay ang pagdaloy sa isipan kong posibleng dahilan at ang kosensyang tumutupok sa akin. “A-ano?” ang nasabi ko na lamang. Tila nanghina din ako sa narinig dahil awang-awa ako kay Mama. Hindi niya deserve ang ganito. Napatingin ako kay Gray na

