#TheSecondHusband CHAPTER 63 Ilang araw pa ang lumipas pero hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isipan ko ang mga nangyari na sa totoo lang, gusto ko mang kalimutan ay hindi naman mangyari at sa halip, nagbibigay pa iyon ng kakaibang init sa akin lalo na sa tuwing mag-isa ako. Ewan ko ba, alam kong mali pero bakit sa sarili ko, may nagsasabi sa akin na dapat iyong maulit? Nakakabaliw di ba? Mali na nga pero gusto pang maulit? Mabuti na nga lang at kahit papaano ay nakokontrol ko na ang sarili ko. Kapag kaharap sila Gray, sila Mama o kahit si Greco ay nagiging normal na ang kilos ko hindi gaya nung una. Ipinapakita kong walang kakaiba sa akin, ipinapakita kong walang nangyari kahit na sa loob-loob ko, hindi iyon maalis. So far, nagiging maayos ang takbo ng resto n

