The Twenty Fourth Star

2042 Words
It's October 31, limang buwan na ang nakalipas simula nung pasukan at sa kabutihang palad ay wala namang naging insidente ng pagkalat ng itim na enerhiya sa paligid kaya't pinagpalagay namin na si Voodoo doll lang talaga ang may sala kaya nagkaroon ng ganoong paghahasik ng lagim. Tungkol naman sa mga naiwan niya sa "The Curse Three" na ngayon ay duo na lang, mukhang inosente naman sila dahil sa buong pagmamasid sa kanila ay wala naman nakitang kakaiba bukod sa pambubully nila sa mga may itsurang nakakakabog sa pangit nilang anyo. Wala rin silang maalala tungkol sa pangit na si Voodoo doll, maging ang mga taong nakapaligid ay hindi rin siya maalala. Maski sina Eugene at Greg ay hindi rin kilala ang tinutukoy namin. Kahit na ipinaalala ko pa na isa siya sa mga nambully sa akin sa cafeteria, ang tanging naaalala niya lang ay yung duo. Doon ay aming napagtanto na sa pagkawala ni Voodoo doll ay nabura din sa alaala ng mga tao ang pagkasino niya, bukod sa amin na nagpabagsak at tumapos sa kanya. "So anong plano natin sa Halloween Ball?" tanong sa amin ni Mio na hindi magkamayaw sa sobrang pagkaexcite sa darating na ball. "As usual aattend nang nakacostume." sagot naman ni Dave. "Kailangan mo pa ba yun?" tanong naman ni Jules. "Kailangan yung alin?" nagtatakang tanong pabalik ni Dave. "Malamang yung magcostume!" sabat ni Mio na kinatawa naming lahat. "Kakapal ha! Nahiya ako sa inyo na kahit walang halloween ball eh panghalloween ang itsura, mas lalo ikaw Mio! Parang laging malakas ang hangin sa labas! Hindi uso magsuklay?" turan naman ng bibwit naming kaibigan na si Dave. "Ay sus, nag asaran pa kayo eh parepareho naman kayong mukhang mga engkanto." pang aasar ko naman sa kanila. "Hoy alien manahimik ka! Kung alam lang namin, hindi talaga yan ang itsura mo!" sigaw sa akin ni Mio. "Ay oh, natural na ito, hindi tulad niyong mapagbalatkayo." ganti ko ulit. "Letse!" ika ni Mio at nagwalkout na. Ganito talaga kami lagi, asaran, may magwowalkout tapos babalik din na parang walang nangyari. "Sinong mag aalaga kay Krabby kapag umattend tayo ng party?" tanong sa akin ni Jules. "Si Dr Mav muna daw magbabantay sa kanya." sagot ko naman. "Alam mo curious ako sa kaya niyong gawin ni Dr Mav, bukod dun sa nakita naming ginawa mo sa gubat, sabi sa amin ni Dr Mav ay maliit na porsyento lamang iyon ng nagagawa mo." sambit sa akin ng kaibigan ko. "Yung tungkol sa kayang gawin ni Dr Mav, ikaw na bahalang magtanong, malihim kasi yung gurang na yun kaya tanging pagkontrol sa hangin at pagpapagaling ang alam kong kaya niyang gawin." sagot ko sa kanya. "Yung sa akin naman, kaya ko lumikha ng mga bagay bagay." dagdag ko pa. "Kaya mo lumikha? So kaya mo lumikha ng upuan ora mismo?" manghang tanong sa akin ni Jules. "Parang ganun na nga, naaalala mo yung nangyaring kababalaghan sa booth natin dati? Ako may kagagawan nun." pagmamalaki ko sa kanya. "Wow hanep din pala yung powers mo! Ano pa?" pagpuri nito sa akin. "Nahahati kasi sa walo ang kaya kong gawin, una na ngayon paglikha, kaya ko iimprove ang lakas, bilis, reflexes at senses ko, kaya kong kontrolin ang espasyo at oras, yung apat na natitira ay pawang support lamang sa kakayahan kong lumikha." pagsasaad ko sa kanya. "Hanep, ang dami mo palang kayang gawin." mangha nitong sambit. "Kaso, sa ngayon ay may isa akong kahinaan ngayon." pagpapatuloy ko. "Ano naman yun?" takang tanong ni Jules sa akin. "Hindi pa ako bounded." sagot ko naman. "Hindi ka bounded? Anong mayroon?" paghahanap niya ng kasagutan. "Sa lahi namin, pagsapit ng ikalabing pitong taong gulang, nagsisimula na ang pagbabago sa katawan namin, sisimulan na nitong hanapin ang bound namin na siyang kukumpleto sa pagkasino namin." saad ko. Doon ay akin nang kinuwento ang mga patungkol sa pagiging unbounded, ang mabilis na panghihina, ang pagkakaroon ng word trigger, ang pagrerecharge malapit sa bound namin at ang kamatayan na darating pagsapit ng ikalabing walong taong gulang na hindi bounded. "Ang kumplikado nga niyan, hulaan ko, si Eugene ang bound mo no?" komento nito at tanong sa akin. "Hindi ba obvious yun?" sagot ko at napangiti, naalala ko na naman kasi ang itsura ng taong mahal ko. "Kilala mo naman pala yung bound mo, nagmamahalan pa kayo, bakit hindi niyo pa gawin ang bounding process?" pagtatanong na naman niya. "Ayun nga eh, sabi sa akin ni Dr Mav, sa bounding process, magkakaroon ako ng urge na gumawa ng makamundong bagay kasama ang bound ko, at tanging dun lang daw namin pwede gawin yun, dahil kapag napaaga ay magfifail at bounding process at hindi na darating kaya dapat siguraduhin ko daw na nararamdaman ko na yung matinding urge kapag ginawa namin yun." sagot ko sa katanungan niya. "Oh, so base sa gusto mo iparating ay hanggang ngayon ay wala ka pang nararamdaman na urge na gawin yun?" ika ni Jules. Buti na lang ay matalino siya at madaling makagets. "Oo, kahit solo lang kaming dalawa ay wala, maski siya ay hindi nagpapahiwatig na gusto niyang gawin namin yun." sagot ko sa kanya. "Feeling ko nga ay may kinalaman pa rin dito yung lumalaganap na dilim." "Nakausap mo na ba si Dr Mav tungkol dyan?" tanong muli ni Jules. "Oo eh, ang sabi naman niya ay ngayon lang nangyari to, kadalasan daw kasi sa lahi namin kapag nakita na namin ang bound namin ay magsisimula na ang urge na gawin yun sa bound namin, aalamin muna daw niya ang sanhi kung bakit ako ganito." pagbibigay sagot ko sa tanong niya. "Sinabihan pa nga akong abnormal eh." "Totoo naman kasi yung abnormal na part." pagpaparinig nito sa akin kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Ito naman hindi mabiro, tara na nga at need pa natin maghanda mamaya." pagbawi nito tyaka ako niyayang lumabas. "Oy bibwit nakatulog ka na dyan tara na at salubungin na lang natin yung walkout queen." paggising ko kay Dave na nakatulog na pala at tulo laway pa, kawawa naman yung armchair kapag nagkataon. --- Naging busy ang lahat sa paghahanda para sa darating na Halloween ball sa school, yung mga kaibigan ko ay magsiuwian muna sa kanikanilang mga bahay upang makapaghanda. At ito naman ako, nakatunganga lang habang pinagmamasdan ang aking mag ama na hindi magka undaugaga sa pag aayos, feeling naman kasi ay magsusuot kami ng costume na pang halloween talaga. Sa tingin ko nga ay baka cosplay ang mangyari sa amin. Ang kasuotan kasi namin ay parang sa Anime na Sword Art Online kung saan ay suot ko ang costume ni Kirito at si Eugene naman ay ang costume ni Klein sa Alfheim Online. Tinatanong niya pa ako kung saan ko nahugot yung mga damit na iyon, ang hindi niya lang alam ay ginamitan ko ito ng creatio o ang abilidad kong lumikha at induresco o pagpapatigas upang magmaterialize yung akong ginawa. "Paano ba kasi isuot ito?" tila naiirita nang reklamo sa damit niya na hindi niya alam kung paano isusuot. Ang ginawa ko na lamang ay tinulungan siya sa kanyang problema, mukha kasing hindi talaga maisusuot ng mag isa yung costume. "Ang sweet naman ng prinsipe ko, tinutulungan niya ang kanyang asawa." sambit nito sa akin tyaka ako ginawaran ng halik sa aking noo. "Malamang tutulungan kita dahil ilang saglit na lang ay late na tayo." tugon ko naman sa kanya. Ginawaran naman niya ako ng isang halik sa labi bilang paglalambing niya sa akin. Bago kami tumungo sa school ay idinaan muna namin si Krabby sa apartment ni Dr Mav dahil siya ang pinakiusapan namin na magbantay sa kanya. "Magpapakabait ka dito baby ah." malambing ko bilin kay Krabby na halatang inaantok na. "Opo papa." sagot naman nito sa akin. "Oh sige, sama ka muna kay Dr Mav." utos ko sa kanya na kanya naman ginawa. "Kuya Mav, kaw muna bahala kay Krabby ah." pakisuyong sambit ni Eugene sa kanyang bayaw. "Okay na ako na bahala sa anak niyo, umalis na kayo at masyado na kayong late." pagtataboy ni Dr Mav sa amin. "Oo na!" sagot ko na lang at umalis na kasama si Eugene. Pagdating namin sa school, tulad ng inaasahan ay nakaayos na ito na panghalloween. Dito magaling ang school na ito, ang pagandahin at iakma sa okasyon ang itsura nito. Agad naming tinungo ang gymnasium kung saan ginaganap ang ball. "Jiro! Eugene! Dito!" pagtawag sa aming atensyon ng bibwit kong kaibigan na tumugma ang costume na suot niya. Kasalukuyang kasama niya si Greg ngunit wala pa yung dalawa. At dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, siya naman ay aking pinuri ang kanyang kasuotan. "Ganda ng costume mo Dave ah." nakangiti kong pagpuri sa kaibigan ko na akala mo naman ay kalalabas lang sa ilalim ng lupa. Yung costume niya kasi ay magarbong suotin ngunit halatang pang dwarf talaga dahil na rin sa patulis na sumbrero at sapatos. "Talaga ba? Magaling lang talaga ako magdala ng damit." taas noo pa nitong pagmamalaki sa akin. "Oo nga eh, walang kaeffort effort, yung itsura mong diwende naglevel up." pang aasar ko sa kanya tyaka tumawa ng malakas. "Akala ko nga nakapambahay ka lang." "Ggrrr ikaw talaga kahit kailan hindi ka na nagbago!" inis niyang singhal sa akin. "Nga pala, nasaan na yung dalawa? Huwag mong sabihin na mas late pa sila?" tanong ko kay Dave na ngayon ay may inaayos ang suot niyang sumbrero. "Ikaw lang naman lagi ang nalelate. Isinama sila saglit ni mam Mylla dahil nagpapatulong ito dun sa backstage saglit." tugon naman niya sa akin. "Ok." tugon ko rin na patango tango lang. Habang hinihintay na magsimula ang palabas ay inilobot ko ang aking paningin upang pagmasdan ang mga schoolmates kong nakacostume din. Lingid sa kanilang kaalaman ay isa isa kong nirerate ang itsura nila. May isa na mukhang manananggal pero angel pala ang pinoportray, yung isa naman sabi niya isa siyang engkantada pero ang totoo ay mukha siyang payaso. Ang isa naman ay nagcostume at nagsabi na siya daw si Elaine ng 7 Deadly Sins pero sobrang nagpapatawa dahil ang liit niya at mas kamukha niya si Hawk. Mayroon pang nagcostume ng Hulk akala mo naman ikinamacho niya eh mas nagmukha siyang si Hawk Mama. Nasa ganoon akong pagtingin tingin sa mga costume ng mga nasa event nang biglang namatay ang mga ilaw siya naman iniingay ng mga pangit na estudyante na akala mo ay ikinaganda nila. Doon ay nagsimulang tumunog ang isang background music na pang halloween kasabay ng pagliwanag ng stage. Yung ayos ng stage ay akma sa tema. Parang ang setting nito ay parang sa isang lumang bahay at mga ilaw nito ay kulay dilaw at kahel. Lahat ay nakatutok sa stage habang pinapanuod ang paglabas ng mga tao ditong nakapure black na parang anino lamang. Sila'y nagsimulang sumayaw, hudyat na ito na talaga ang simula ng gabi. "Kanina pa kayo." dinig kong tanong ni Jules sa akin tabi na hindi ko namalayan na dumating na pala. Napataas ako ng kilay sa kanya pati sa kasama nitong babae na si Mio. Paano ba naman ay ang sinuot nilang costume ay hindi talaga costume kundi ang kasuotan nilang pangdigma. Ang sun at moon armor. "At bakit yan ang suot niyo?" tanong ko sa dalawa. Pagsigaw ko na itong sinambit sa kanila dahil sa lakas ng ingay dahil sa speaker na ginagamit sa gymnasium. "Wala kang paki!" pagtataray ni Mio sa akin na akala niya ay ikinatangkad niya. Sa loob loob ko gusto kong pagtripan si Mio sa pagtataray niya sa akin pero dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy. Ipagpapamamaya ko na lang, hindi pwedeng wala, hindi ako magiging si Jiro ko hindi ko iyun maisasagawa. Ayun na nga at nagpatuloy na ang palabas kung saan lumabas na si mam Mylla sa stage suot ang kanyang costume na ginaya si Maleficent na talaga namang bumagay sa kanya. Sa lahat ata ng nakacostume dito bukod sa pogi kong boyfriend ay siya lamang ang namumukod tanging maganda. Magkapatid nga talaga silang dalawa. Sa aking panunuod ng introduction ay may naramdaman akong pumulupot na mga braso sa aking katawan mula sa aking likuran. Si Eugene. Agad ko rin namang isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat at ini-enjoy nang magkasama ang palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD