Sa wakas natapos na ang aming paghihirap at ngayon ay bakasyon na. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at inaayos ang mga dadalhin namin para sa magiging summer getaway na magkakaibigan.
Kung nagtataka kayo kung anong nangyari sa foundation week? Ikukwento ko sa inyo.
Unang una, dahil sa isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, kami ang nanalo na best booth, dinumog kasi talaga yung sa amin, salamat sa akin dahil pinaganda ko ito.
Pangalawa, yung pageant, imposibleng hindi niyo alam kung sino ang nanalo. Syempre si Eugene ko, sa swimsuit competition pa lang ay maglalaway ka na sa katawan niya. Isama mo pa itong formal wear competition. Nagmukha talaga siyang eleganteng lalaki dahil napakagwapo niya noong nagsuot siya ng suit.
Overall, naging matagumpay naman ang pagcecelebrate namin ng foundation week, salamat na rin sa mga nag efforts para sa event ng school na iyon.
Back to reality, ito nga't nag eempake ako ng mga dadalhin namin sa one week vacation namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil sabi ni Dave ay surpresa daw.
Sayang nga lang dahil hindi kasama si Eugene dahil may pupuntahan daw silang camp kasama ng pamilya niya, sabi ko nga sa kanya na sasama ako pero hindi ito pumayag dahil hindi daw basta basta ang gagawin nila at hindi niya ako maaasikaso kaya no choice ako kundi ang magsolo na lang.
Palabas na ako ng bahay nang makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid. Napakabigat nito at puro galit ang dala dala nito. Hindi pwedeng wala akong gawin dahil baka may masamang mangyari kapag pinabayaan ko ito.
At dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, aagapan ko na agad ang maaaring mangyari na masama
Operation - Observatio (Activity - Observation)
Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng masamang awra sa paligid. Medyo mahirap dahil ang lawak ng lugar namin. Sinundan ko na lamang yung daan kung saan malakas ang pagpaparamdam nito.
Hindi naglaon ay natunton ko ang pinanggalingan nito. Ito'y nasa isang lawa na medyo madumi ang tubig. Paanong madumi, halos puro burak kasi ito at ang itim ng kulay.
Hinanap ko sa tubig kung saan nanggagaling ang itim na enerhiya. Mukhang katulad din ito ng nangyari kay Mariposa, mukhang may naghalo sa nilalang o bantay dito ng itim na awra.
Nahanap ko naman din agad ang nilalang na pinanggalingan ng itim na awra. Ito'y nasa gitna ng lawa.
"Foxy, mukhang ito na ang pagkakataon para makapaglaro tayong dalawa." sambit ko sa spirit animal ko. Naramdaman ko naman ang tuwa nito sa aking tinuran.
Agad kong kinalap ang natural na enerhiya sa paligid upang magamit ito at upang mapasok na rin ang tinatawag namin na spirit animal mode kung saan magmimistulan akong taong lobo dahil isang lobo ang spirit animal.
Naramdaman kong nagbago ang aking pisikal na katawan. Nagbago din ang aking paningin at pakiramdam dahil mas lalo itong tumalas. Ang kulay ng aking mata ay naging kulay asul at tinubuan ako ng siyam na puting buntot. Ang tenga ko rin ay nagmistulang parang sa isang lobo. Kung titignan mo ako ay hindi mo na rin ako makikilala dahil may mga kalakip din itong mga imprentang pula na bumakat sa aking mukha.
Sa ganitong anyo ay marami na akong nagagawa, kahit hindi ko ginagamit ang sarili kong kakayahan ay nagagawa kong makalipad at makapagpalabas ng enerhiya upang pang opensa. Ang mga buntot ko rin ay nagagamit kong panlaban at pangsangga. Sa anyo ko ring ito ay nagagamit ko ang spirit fire. Isang apoy na kayang tupukin kahit ang kaluluwa ng kalaban. Hindi rin ito basta basta napupuksa ng tubig oh hangin kaya't ang tatamaan ay masusunog hanggang matupok ito nang tuluyan maliban na lang kung ako mismo ang mag aalis ng apoy.
Agad akong lumipad patungo sa gitnang bahagi ng lawa upang mapalabas ang isinumpang nilalang na nakalublob dito. Kaibahan lang sa ginawa ko kay Mariposa, hindi ko gagamitin ang spatium dahil hindi sakop ng natural energy ang sarili kong kakayahan dahil hindi pa ako bounded. Tanging mga kakayanan lamang ni Foxy ang magagamit ko sa labanan na ito.
"Charm!" pagcast ko at isang kulay pink na enerhiya ang lumubas sa akin patungo sa nilalang na nasa tubig. May kakayanan kasi itong panandaliang pasunurin ang mga nilalang at sa pagkakataong ito ay upang mapalabas ang kung ano mang halimaw ang nasa lawa.
Nakarinig ako ng malakas na dagundong mula sa ilalim at doon ay lumabas ang isang malaking alimango na kulay itim. Mas matindi ito sa kay Mariposa dahil mukhang tuluyan na itong kinain ng kadilim.
Medyo mabilis kumilos itong halimaw kaya binilisan ko rin ang pagkilos ko. Inunahan ko na rin ito sa pag atake.
"Flare Wisp Barrage!" pagsambit ko kasabay ng paglabas ng mumunting kulay asul na bolang apoy na sabay sabay na umatake sa halimaw na alimango.
Pagtama nito sa kalaban ay nagdulot ito ng pagsabog kasama ng pagtupok nito sa tinamaang parte ng katawan nito.
"Gotcha!" pagdiriwang ko nang makatama.
Ngunit mukhang matibay ang talangka dahil kahit may tama na ito ay nagawa pa ako nitong sugurin gamit ng mga matatalim nitong panipit. Iniwasan ko lang ang mga ito dahil hindi naman ganoon kabilis ang paggalaw nito.
"Ow, ambagal mo alimango!" pagpuna ko sa galaw ng kalaban.
"Ember!" pagpapakawala ko ng malaking bolang apoy na tumama sa isang panipit nito.
Medyo napahinto ang kalaban ngunit napansin ko na hindi natutupok ang kalaban kahit diretso ang pagliyab ng apoy.
"Antibay naman ata ng kalasag nito." sabi ko sa aking sarili.
Muling umatake ang alimango gamit ang mga panipit, hindi naman niya ako tinatamaan, akala ko ay ayun lang ang kaya nitong gawing ngunit laking pagkakamali nang bigla itong magbuga ng itim na mga bula. Kumpara sa pisikal na atake niya ay mas mabili ito kaya hindi ko na nagawang umiwas pa. Ginamit ko na lamang ang aking buntot upang protektahan anh aking sarili.
"Aahhhh!!" pagdaing ko nang tumama sa akin ang mga bula. Sumabog kasi ang mga ito nang tumama sa akin. Tumilapon tuloy ako palabas sa lawa at bumagsak sa lupa.
Alam kong labis na pinsala ang natamo ko mula sa pag atakeng iyon ng kalaban, hindi pa man din ako gumamit ng kakayahan ko na pataasin ang depensa ko lalo't hindi ko ito pwedeng isabay sa spirit animal mode ko. Magagamit ko ito ngunit sarili lakas ko ang gagamitin ko.
"Kainis!" pagrant ko habang bumabangon ako mula sa pagkakabagsak.
Tinignan ko ang alimango, hindi ito umaalis sa pwesto niya, nananatili lang ito doon at mukhang nag iipon muli ng lakas para sa pagbuga ng mga bula.
Agad ko namang pinalutang muli ang sarili ko at sinugod ito. Kung hindi tatalab ang range attack, baka umubra ang melee attacks ko.
Pinag apoy ko ang aking mga kamay at paa, pati na rin ang aking siyam na buntot.
"Humanda ka!!" sigaw ko at sinugod muli ang kalaban. Pinuntirya ko ang tiyan na bahagi ng kalaban. Suntok, sipa at paghampas ng aking buntot ang aking ginawa.
Napapaatras ko naman ito ngunit napakakapal nga ata talaga ng balat nito dahil hindi ko pa rin ito nagagalusan.
"Gyaaaaaahhh!" pag asik nito at muling nagbuga ng mga itim na bula na siya muling tumama sa akin.
Napabagsak na lamang ako maduming tubig sa ibaba. Pagkalukob ko sa tubig ay nakaramdam ako ng malakas na itim na enerhiya dito.
"Mukhang sa lawa nanggagaling ang lakas niya." sambit ko sa aking sarili.
Ibinalik ko agad ang sarili sa ibabaw upang hindi tuluyang kainin ng dilim. Alam kong ang tubig ng lawa ang nagsasanhi ng kadiliman sa paligid nito.
"No choice, kailangan ko pa rin gamitin ang kapangyarihan ko." sabi ko pagkaangat sa tubig.
"Fire Vortex!" pagcast ko at lumabas ang ipo-ipong apoy mula sa ilalim ng kalaban at iniangat ang dambuhalang alimasag.
"Ultimate Burning Fist!" pagsigaw ko kasabay ang pagpapakawala ko ng malakas na suntok gamit ang nagliligab kong kamao.
Sumabog ito ng tumama ang kamao ko sa kalaban dahilan para mapatalsik ko ito palayo sa tubig.
Naging matagumpay naman ako dahil naialis ko ito sa tubig. Ngayon ay kailangan ko na lang itong talunin.
Alam kong kulang ang kakayanan ni Foxy para palambutin ang kalaban kaya kailangan ko munang sirain ang baluti nito.
Creatio - Lancea (Construction - Spear)
Gumawa ako ng mga sibat na gawa sa aking enerhiya upang gamitin pangbutas sa kalasag nito.
Induresco - Compleretur (Solidification - Materialize)
Hinaluan ko ng pampatigas ang aking ginawa ngunit hindi upang maging tunay na sibat, isang sibat na gawa sa enerhiyang pang opensiba.
Solutio - Acumine (Disintegration - Penetration)
Isinama ko pa ang attribute na solutio upang siguradong tatagos ito sa kalaban.
Propago - Replicari (Propagation - Replicate)
Pagkatapos kong mabuo ang mga sibat ay agad ko itong pinabulusok papunta sa malaking alimango. Hindi naman ako nabigo dahil tumagos ang mga ginawa kong sibat sa kalaban. Doon ay unti unting nasira ang kalasag nito at lumiit.
Katulad ng ginawa ko kay Mariposa ay agad ko itong ikinulong sa isang sphere prison upang hindi na makalaban pa. Ang tanging natitira na lamang ay ang lawang itim. Kailangan ko itong linisin.
Agad akong lumusong sa tubig at pumunta sa pinakagitnang bahagi nito. Hindi man marunong lumangoy ay ginagamit ko ang kapangyarihan ko na makalipad sa ilalim ng tubig upang makagalaw.
Nagtipon ako ng natural na enerhiya upang gamitin ang isa sa mga kapangyarihan ni Foxy. May kakayanan kasi itong tupukin ang kahit na ito depende sa nais ng gagamit nito.
"Sacred Flame!" pagsigaw ko kasabay ng paglabas ng puting apoy mula sa akin.
Gumapang ang apoy sa tubig at tinupok ang kadiliman na kumakain sa katubigan. Buti na lang ay natural na enerhiya ang gamit ko kung hindi ay baka ikamatay ko ang paglilinis sa lawa.
Muli ay nagtagumpay akong magapi ang kadilim na bumabalot sa lugar na ito. Naging malinis ang tubig at unti unting nagliwanag ang paligid.
Agad ko namang binalikan ang aking kinalaban at nakita isang napakacute na bata na parang may costume ng isang talangka.
Nilapitan ko ito upang gising ngunit kita ko sa kanya ang labis nitong panghihina. Marahil ay dahil ito sa pagkalayo nito sa lawa kaya naman agad ko itong binuhat at inilipad patungo sa lawa kung saan ko siya kinalaban kanina.
Mukhang tama naman ang naging desisyon ko dahil noong inilublob ko dito sa tubig ay tuluyan na itong nagising. Kumawala ito sa aking pagkakahawak at tumakbo palayo sa akin at nagtago sa isang bato.
"Ikaw! Kalaban ka ano!" bintang nito sa akin. Napacute niya, kung titignan ay bata nga talaga siya.
"Ako? Hindi ah, tinulungan pa nga kita eh." pakikipag usap ko sa kanya.
"Eh bakit mo ako nilulunod?" tila takot nitong tanong sa akin.
Nilulunod? Paano ko siyang nilulunod?
"Hindi naman kita nilulunod ah?" takang tanong sa kanya.
"Hindi daw! Eh nilulublob mo ako kanina sa tubig!" sigaw nitong sagot sa akin kaya naman napatawa ako.
Ibig sabihin pala ay nagising siya hindi dahil sa hiwaga ng lawa kundi dahil hindi na siya makahinga kanina.
"Pasensya na, akala ko kasi ay ang tubig ang makakapagpabalik ng lakas mo, ayun pala ay muntik kitang mapatay." natatawa kong sambit sa kanya.
"Bakit ka tumatawa?" medyo kalmado na nitong tanong sa akin.
"Hindi ko kasi lubos akalain na makakakita ako ng isang nakakatuwang nilalang na katulad mo dito." magiliw ko namang sagot sa kanya.
"Talaga?" tila natuwang tanong nito sa akin. Base kasi sa tono niya ay nagustuhan niya yung pagtawag ko sa kanya na nakakatuwa.
"Oo, kaya halika nga dito nang makapag usap tayo ng matino." pagtawag ko dito na agad naman nitong sinunod.
Totoo nga, napakacute niya. Mukha lang siyang nagkocosplay ng talangkansa kaniyang anyo.
"Oh hindi ba, napakapogi mong bata, kaya ako natutuwa sayo." pagpuri ko sa kanya habang mahinang pinipisil ang pisngi nito.
"Talaga po?" natutuwang tanong na naman niya sa akin. Nagpapacute ata talaga itong talangka na ito.
Tumango na lang ako bilang pagsagot, may sasabihin pa sana ako nang maramdaman ko ang labis na panghihina ng aking katawan. Mukhang nagresulta na ginawa kong pakikipaglaban kanina kaya't ilang sandali lang ay tuluyan na akong nawalan ng malay sa harap ng bata na aking tinulungan.