The Mayara

2193 Words

NAPATIGAGAL SI ESMERALDA sa kaniyang kinatatayuan. Ang papalapit sa kaniyang nilalang ay nagdulot sa kaniya ng matinding takot kung kaya’t tila napako ang kaniyang mga paa sa lupa. Batid niya ang hinggil sa mga hayop na ito subalit bihira lamang silang magpakita. Sinasabing mamamataan ito sa mga lugar na may magaganap na kaguluhan. “Esmeralda!” sigaw ni Omal na tila gumising sa kaniyang diwa. Ikinabigla ni Esmeralda nang bigla na lamang siyang itulak ni Omal kaya napasubasob siya sa lupa. Ganoon din naman ang kaniyang bagong kaibigan. Subalit ang ginawa nito ay pansamantalang sumalba sa engkantada. Nang mapatingala siyang muli sa himpapawid ay natunghayan niya ang pagbabalik nito na tila pakay rin ang dagitin siya. “Halika na! Sakay na, Esmeralda! Bilis!” muling sigaw ni Omal. Kaagad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD