Chapter 10

1121 Words
Jhanelle's POV Habang nagluluto ako ng umagahan namin ay gulong gulo ang isip ko. Hindi ko lubos maisip ang ginawa ni Bethy. Bakit siya umalis kaagad? Delikado talaga ang ginawa niya. Nag aalala ako sa kanya. "May maitutulong po ba ako ma'am Jhanelle?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Felix. "Dahil nagtanong ka naman din, oo, pwede bang ipagtimpla mo kami ng Juice." Utos ko. Nginitian niya lang ako at sumunod na agad sa utos ko. "Ma'am ang bango ng niluluto nyo ah!" Sambit niya habang hinahalo ang juice sa pitsel. "Bola. Gusto mo lang makikain eh, pero ito, tamang tama marami akong niluto. Makikain ka na rin saamin." Aya ko sa kanya. Magaang ang loob ko sa kanya. Para kasing ang bait bait niya. "Naku, ma'am wag na po. Kakakain ko lang din naman ng almusal." Sagot niya. Napatingin ako bigla sa suot niyang damit na puti. May dugo doon na parang sariwa pa lang. "Teka, bakit may dugo ka sa damit?" Tanong ko. Napalaki ang mata niya. "Wala po ito. Baka natalsikan lang ako ng kinatay kong baboy kanina." "Ganun ba? Ay matanong ko lang, Felix. Kahit ba sa araw ay nagpapakita ang kaluluwa ng kapatid kong si Jaika?" "Opo. Siya nga po ang pinaka malakas na kaluluwa na gumagala dito sa gubat. Alam nyo po ba, sinabi saakin ng Papa mo na baka daw nakasanla ang buhay ng Ate mo sa dimonyo. ‘Yun daw siguro ang dahilan kung bakit malakas ito at may kapangyarihan." Natakot ako bigla sa sinabi ni Felix. "Talaga!? Nakakatakot naman pala ang kapatid ni Jhanelle!" Nagulat kami ni Felix ng biglang sumulpot si Joy. "Oo, kaya nga pati kami ay hindi makagala sa gubat na ito. Bawal mag ingay at baka mapatay kami ni Jaika. Napaka sensitive ng kaluluwang iyun sa kahit na anong ingay." "Natakot ako. Gusto ko pa naman mag gagala ngayon sa gubat." Sambit ni Joy. "Pwede naman eh. Wag lang kayong mag iingay." Sagot ni Felix sabay tawa. "Naku, wag nalang. Magkukulong nalang ako dito sa Safe room. Atleast dito safe na safe ako. Ayoko pang mamatay." Sambit ni joy na bigla namang alis. "Pag pasensyahan mo na ang mga kaibigan ko. Maarte lang talaga sila, magsalita, pero mababait iyan." Sabi ko. "Okay lang po iyun. Oh, okay na itong Juice nyo." Sabi niya at inilapag na sa mesa ang isang pitsel ng juice. "Luto narin itong sinangag ko. Pwede na kaming kumain. Teka, sigurado kang ayaw mong makikain saamin?" Tanong ko ulit sa kanya. "Hindi na po. Busog po talaga ako. Ang totoo niyan ay may gagawin pa ako. Pinasilip lang kayo sakin ni Doctor Jamieson, kung okay kayo dito." Matapos sabihin yun ni Felix ay umalis narin siya dito sa Safe room. Felix's POV Sa totoo lang, naawa ako sa papatayin ko bukas. Sino kaya sa kanila ang papatayin ko? Naawa ako sa kanila. Bukod kasi sa magaganda, ay okay naman at mababait sila. Bakit kasi kailagan pang maraming mamatay para lang sa iisang kaluluwa na’yun. Pati kami ng kapatid ko nadamay pa. Miss na miss ko na ang pamilya ko. "Kuya, tao kana bukas." Biglang sambit ni Grego nang makita ako dito sa Food room. Kahit papaano kasi ay nagluluto parin kami para sa dalawang babaeng bihag namin. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. "Bukas tao kana, kasi makakapatay kana ng Tao." Nakangisi niyang sabi. "Sa totoo lang, Grego, ayoko. Naawa ako sa kanila. Ayokong pumatay. Pero dahil utos ni Mr. Morgan, gagawin ko at baka kasi ako pa ang patayin niya." "Kaya mo iyan, kuya. ‘Wag kang mag alala, makakaalis din tayo dito. Basta sumunod lang tayo ng maayos sa kanila, makakauwi din tayo ng buhay." Mahabang sabi ni Grego. Tama siya. Kahit gago itong kapatid ko, minsan naman ay may utak din siya. "Ano bang balita? Sino ba ang isusunod na papatayin sa dalawang yan?" Tanong ko habang nakatingin sa dalawang babae na nakaupo at walang kibo sa mag kahiwalay na mesa. Sila nalang ang dalawang babae na natira na sumusunod parin sa Rules ni Mr. Morgan. "Ewan ko kay Mr. Morgan. Ang sabi niya, siya na ang bahala sa dalawang ‘yan. Saka alam mo nagulat ako kay Mr. Morgan. May pagkamalibog din pala ‘yun. Bago daw niya kasi patayin ang dalawang ‘yan ay paliligayahin muna daw niya ang sarili niya sa mga ‘yan." Natatawang sabi ni Grego. Nakakaawang mga babae. Pinalaki sila ng maayos ng mga magulang nila, tapos bababuyin lang at papatayin ng walang katarungan. Maling mali talaga. Hindi kaya nila iniisip ang mga magulang at mga kapatid nilang babae. Wala silang galang sa Babae. "Grabe na talaga sila!" Yun nalang ang nasabi ko. Morgan's POV Uwing uwi na ako sa bayan namin. Naiinip na ako dito. Kung pwede lang madaliin ay pagpapatayin ko lahat ng kaibigan ni Jhanelle matapos lang agad. Nakakainis! Papunta ako ngayon sa kwarto ni Doctor Jamieson. Gusto daw niya akong makausap. "Anong kailangan nyo, Doc. Jamieson?" Tanong ko. "Nais kong lang itanong kung nakakailan na tayong puso?" "May lima na po. Dapat po sana ay siyam naiyun ngayon. Hindi niyo po kasi sinabi na dapat, buo at walang sira ang pag kuha ng puso sa mga babae. May mga napatay po kasi kami na wasak ang pagkuha namin ng puso. Sayang lang." "Oo nga! Sorry, natagalan pa tuloy tayo." "Okay lang po yun, doc Jamieson. Wag po kayong mag sorry. hindi po ako sanay. Wag po kayong ma-alala. Apat nalang po ay mabubuo na natin.So, sa apat na kaibigan ng anak nyo ay dalawa nalang ang papatayin natin. May dalawa pa kasi tayong bihag bukod sa kanila." "Ganun naman pala. Sige na, patayin mo na ang dalawang bihag ng mapabilis-bilis tayo. Saka na muna sa mga kaibigan ni Jhanelle at hahanap pa tayo ng tiyempo para may madugot sa kanila." "Masusunod po, Doctor Jamieson." Sambit ko. Agad na akong lumabas sa kwarto niya. Tinawag ko sila Felix at Grego. Kailangan ko sila para sa dalawang babae na kakatayin ngayong hapon. Pinadala ko ang natitirang dalawang babae sa isang kwarto. May gagawin muna ako sa kanila, bago sila malagutan ng hininga. Nang maitali sila nila Grego at felix sa kama. Agad ko nadin silang pinalabas. "Sige na, ako na bahala dito." Sambit ko sa kanila. "Mr. Morgan, hindi naman po kami lumalabag sa rules? bakit papatayin nyo na po kami?" Sabi nung isang babae na nanginginig pa ang boses. "Oo nga po, Mr. Morgan. Maawa po kayo saamin." Sambit naman ng isa. "Wag kayong mag alala. May isang oras pa kayo para mabubay. Bago ko kayo patayin ay Maglalaro muna tayo ng isang mainit init na tagpuan. Handa na ba kayo?" Ngumisi ako ng isang malagkit, bago ako lumapit sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD