Chapter 5

1193 Words
Lester's POV Nagising ako ng magkatabi kami ni Nel. Madilim ang buong paligid. Si Nel tulog parin. Masakit sa ulo ang naamoy naming usok kanina. Habang pilit kong inaaninag ang buong paligid ay biglang bumukas ang pinto. Isang tanlaw ng flashlight ang sumalubong saakin. "Sino ka? Saan mo kami dinala?" Natatakot kong sabi. Naalala ko bigla. Nasaan sina Jhanelle? Bakit kami lang ni Nel ang magkasama? "Bawal kayo dito." Sambit ng isang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at bigla akong itinayo. "Saan mo ako dadalin? Anong bawal kami dito?" Ako lang ang kinuha niya. Si Nel, naiwan na natutulog parin. "Boys not allowed here. Pag iniwan kita, sumigaw kalang ng sumigaw para may tumulong sayo." Sambit ng lalaking may dala saakin. Anong ibig niyang sabihin? Sino ang tutulong saakin? Bakit hindi pa kasi siya ang tumulong saakin. Bakit kailangan iwan pa niya ako? "Kuya, maawa ka. Saan mo ako dadalin? Papatayin mo ba ako?" Natatakot na ako. Ang pakay namin ay magpakasaya ngayong bakasyon. Hindi yung ganitong mamatay ako sa kaba dahil hindi ko alam kung nasaan bang lupalop ako ng mundo ngayon. Lakad lang kami ng lakad nitong lalaking may hawak saakin. Kinukutuban na ako. Natatakot ako, papatayin niya kaya ako? "Kuya, maawa ka. Saan mo ba ako dadalin? Papatayin mo na ba ako? Please, pakawalan mo na ako." Nag iiyak na ako. Nanginginig na ang buo kong katawan sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi ako sinasagot ni kuya. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad, hanggang sa huminto na kami sa isang malaking puno. Nagulat ako ng bigla niya akong sikmuraan. Napaupo ako sa sahig. Habang namamalipit ako sa sakit ay itinali na niya ang paa ko sa puno. "Maawa ka! ‘Wag mo akong patayin." Halos parang may naghahabulang kabayo sa puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. "Sumigaw kalang ng sumigaw, para lumitaw siya." Sambit niya at iniwan na akong mag isa sa ilalim ng puno. Hindi ko alam ang sinasabi niya. "Kuya! Pakawalan mo ako dito. Maawa ka please!" Sigaw ko. Hindi na natigil ang pag iyak ko. Nasaan naba sina Jhanelle. "Jhanelle, Ada, Bethy, Jessa nasaan kayo? Tulungan nyo ako!!" Sigaw ko. Sobrang dilim sa buong paligid. Gubat na gubat at puro puno lang ang makikita mo. Sa tingin ko ay pasado ala una ng madaling araw. Nilingap lingap ko ang paligid. Ngayon ko lang napansin na puro buto ng tao ang nakahalang dito sa gilid ng punong ito. Lalo na akong natakot. Nagtaasan ang mga balahibo ko. Jusko, nasaan ba ako? Ayoko ng ganito! May biglang kumaluskos! Napatigil ako sa pag iyak. “Ano yun?” "Ang ingay mo!" Lalo na akong natakot ng pagtingin ko sa gilid ko ay may nakalutang na babaeng nakaputi. Inaagnas ang mukha nito at talaga namang nakakatakot. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa talambuhay ko. Hindi ko na napigilan. Napasigaw na ako. "Ahhhhhhhhhh!!" Nag iba lalo ang mukha niya. Naging mabangis dahil sa pag sigaw ko. Nel's POV Ang sakit ng ulo ko. Bigla akong kinabahan. Mag isa lang kasi ako sa isang madilim ng bahay na ito. Nasaan sila? Nakita kong nakaawang ang pinto kung saan naroon ako. Lumabas ako ng papungay-pungay. "Sh*t nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko. Nilingap ko ang paligid. May nabasa akong karatula sa isang malaking bahay dito. "Jaika's Retreat house? Saang lugar ito?" Tanong ko ulit sa sarili ko. Mayamaya ay nakadinig ako ng yapak ng tao na tila papalapit saakin. Nagtago ako sa isang likod ng puno. Nakita ko ang isang lalaki na malaki ang katawan. Mabilis itong tumakbo at saka tumuloy sa bahay na pinanggalingan ko. Dahil doon, tumakbo na ako ng mabilis papalayo doon. Mayamaya, habang tumatakbo ako ay nakadinig ako ng isang sigaw. Hindi ako nagkakamali. Si Lester iyun. Binilisan ko ang takbo ko. Mayamaya ay may natanaw na ako. Si Lester na nakatali sa isang puno at ano yung isang nakikita ko? Babaeng nakalutang na nakabistidang puti. "Ahhhh! Multo! Tulungan nyo ako!" Sigaw ni Lester. "Ayoko sabi ng Maingay!" Nakakatakot ang boses ng isang iyun. M-echo na para bang galing sa hukay ang boses niya. Nakakatakot! Jusko, nanaginip ba ako? Nagkatotoo nanga iyung sinabi kong, sana may thrill ang maging bakasyon namin. Nagulat nalang ako ng biglang lumutang si Lester. "Ahhhhhhh!" Hiyaw lang ng hiyaw si Lester. Wala akong magawa. Natatakot nadin kasi ako. Jusko, anong kababalaghan ba itong meron sa gubat na ito? Natahimik nalang si lester nang makadinig ako ng lagutok ng buto. Kitang kita ko kung paano nabali ang ulo ni Lester. Napatakip nalang ako ng bibig. Ano ito? Hindi pa nakuntento yung babaeng halimaw at sa isang pilantik ng daliri niya ay nagkanda bali bali ang buto ni Lester. May sa dimonyo ang babaeng nakalutang. Halimaw siya. "My god! Sorry, Lester!" ‘Yun nalang ang nasabi ko. Jhanelle's POV Sa Isang kainan kami dinala ng dalawang lalaki. Halos lahat kami ay sa baba nakatingin. Tahimik ang lahat. Walang kibo, walang tinginan. Napansin ko,halos labing dalawa kami na puro babae dito. Paano kami makakatakas dito? Naalala ko sii Lester. Ang kaibigan namin, pinatay nila. Naiyak ako bigla at sure pati rin sila naiiyak din. Kaya kailangan sumunod muna kami sa mga rules. Maghahanap ako ng solusyon para makatakas kami dito. Habang tahimik ang lahat na nakaupo ay bigla ng nag salita yung lalaking kumausap saamin kanina. "Maayos kayong pumila para makakuha ng pagkain." Sambit nung lalaki. Isa-isa kaming tumayo habang nakayuko. Tila kami mga buang na naglalakad ng nakayuko. Pag nagpatuloy ito ay tiyak na sasakit ang leeg ko. Nang makakuha ang lahat ng pagkai ay isa-isa narin kaming naupo. Hiwa-hiwalay kami ng mesa. Magkakalayo kami ng mga friends ko. Halos lahat kami ay iisa lang ang nararamdaman. Takot! Natatakot kami na mapatay nila kami. Tiyak na mag aalala si Mommy saakin. "Oh my God! Hindi ko kaya ito hindi ko kaya ang pangtatrato niyong ganito. Pakawalan nyo na kami!" Napatingin kaming lahat sa isang babae na bihag din nila. Nilapitan siya nung lalaking kumausap saamin. "First warning! Hanggang tatlo ka lang. At pag umabot sa tatlo ang paglabag mo sa rules, youre Dead!" Sambit nito at pinanlakihan siya ng mata. "And dahil lumabag ka agad. Parusa mo ito," Kinuha niya ang pagkain nung babae. "Wala kang breakfast ngayon," sambit niya at saka kinuha ang pagkain ng babae. "Habang kumakain kayo, hayaan nyong mag pakilala kami sainyo." Sambit nung lalaking kumausap saamin kanina. Lumapit silang tatlo sa harap namin. At dahil magpapakilala sila ay pwede daw muna silang tignan sa eye to eye. "Im Morgan. Ako ang katiwala ng Retreat house na ito." So, Morgan pala name nung kumausap saamin kanina. Yung lalaking maitim ang ngipin. "At ako naman si Felix. Taga sunod ni Mr. Morgan," pakilala naman nung isang lalaking malaki ang katawan na sumampal kay Bethy kanina. "Ako naman si Grego, taga sunod din ni Mr. Morgan." Pakilala naman nung isang lalaking malaki ang katawan na sumuntok kay Ada. "Mamaya ay makikita nyo narin at makikilala ang may ari at pinuno namin. Si Doctor, Jamieson." Sambit ni Mr. Morgan. Nanlaki ang mata ko. Sana mali ako sa inaakala ko. Sana hindi siya iyun. Sana hindi si Papa ang tinutukoy niyang si Doctor Jamieson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD