Two months later. Maraming nagbago. Naging maaliwalas na ang mansyon. May mga nahired na ring mga maid at butlers si Raziel para daw may magbantay sa akin, since wala na akong sapat na lakas para mamalakad sa Hotel and Resort na iniwan ni Ramael, ay si Raziel na ang pinapamanage ko doon since naalala ko na nagtapos siya ng Business Management. Alam kong kaya na niya iyon. Kumuha din siya ng tagapag-alaga para kay Rhys. Minsan pa ay inaalagaan ko iyon. Gusto ko kasi maranasan ang mga ginagawa ng mga nanay para kung sakaling lumabas na ang anak ko sa mundong ito ay magagawa ko iyon. Palagi na akong nananatili si kuwarto namin ni Ramael. Unti-unti ko na napapansin na nagiging mahina na ako. Parang kinuha ang bawat lakas ko sa mga araw na dumadaan. Noong nakaraang buwan, I was suffer in dep

