Warning Matured content!! R-18+ Mhelcah's POV Nawala ang antok ko sa picture na nakita ko. Binabagabag ako nito. Naisipan ko na lang na magluto ng hapunan dahil baka pauwi na si Simon. Siguro ay masyado busy talaga ito ngayong araw dahil hindi man lang siya nakaalalang tumawag sa akin. Kumusta na kaya ang sugat niya? Nakainom na kaya siya ng gamot? Nag-aalala talaga ako sa kanya. Alas otso na ng gabi pero wala pa rin siya. Sinusubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Humiga na lang ako sa couch dito sa sala para hintayin siya. Niyakap ko na lang si Light. Noong nakaraan ay kinuha ko siya sa bahay para isama dito. Simula noong nagkaroon ako ng trabaho ay nawalan ako ng oras sa kanya kaya bumabawi ako ngayon. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Baby," rinig

