AFTER 3 MONTHS Walang naging balita si Samantha kay Simon. Simula noong umalis ito ay hindi na ito nagparamdam sa kanila. Iniwan rin nito si Light. Inalagaan naman nila ang aso. Naawa si Samantha sa kanyang anak dahil naging malungkot ito. Palaging hinahanap ni Zach si Simon halos araw-araw itong nagtatanong kay Samantha. Ito ang ayaw mangyari ni Samantha ang masakyan ang kanyang anak. At sa bawat araw na 'yon ay hindi alam ni Samantha ang isasagot niya sa anak niya. "Anak are you ready?" Tanong ni Samantha kay Zach. Ngayon kasi ang flight nila pauwi sa Pilipinas. "Yes po mommy," nakangiting sagot ng kanyang anak. Tinanggap ni Samantha ang invitation sa kanya sa isang event sa Manila. Masaya ito dahil makakapagbakasyon na rin sila ng kanyang anak bago siya maging abala sa trabaho.

