Mhelcah's POV Pagdilat ng mga mata ko ay puting kisame kaagad ang bumungad sa akin. Nasaan ako? Iyon ang unang tanong ko sa sarili ko. "Baby, thank God your awake now." Mabilis na lumapit sa akin si Simon. "Bakit ka nandito? Nasaan ako?" Walang emosyong tanong ko kay Simon. Nakita kong napalunok ito. Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Nakita ko na nasaktan siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Mas nasasaktan ako sa ginawa niya. "Nandito tayo sa hospital. Nakita kitang walang malay at dinudugo. Baby, anong nangyayari sa 'yo? Muntikan ng mawala ang anak natin." Umiiyak na tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo? Anak?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Yes baby, you're pregnant. At mabuti na lang nadala kita dito kaagad. Ba

