"Baby, you stay here muna ha. Akyat lang si mommy saglit," paalam ni Samantha sa kanyang anak. "Okay po mommy." Nakangiting sagot ni Zach. "Light, samahan mo si Zach dito." Kausap ni Samantha sa aso. Mabilis namang lumapit si Light sa bata at tumabi ito. "Thank you light," nakangiting sabi ni Sam. Natutuwa talaga siya sa aso dahil mabait ito at nakakaintindi pa. Aakyat muna siya dahil gusto niyang maligo. Naisip niya pababa na siguro si Simon kaya umakyat na muna ito. Pagpasok niya sa kanyang silid ay hindi niya maiwasang hindi mapalunok dahil bumungad sa kanya si Simon na nagsusuot ng boxer. Nagkunwari si Samantha na hindi siya apektado sa presensiya ng binata. Akmang papasok siya sa banyo nang bigla siyang hilain ni Simon at hinapit ang kanyang baywang. "A-Anong ginagawa mo?" Nauut

