THIRD POV "Tahan kana sissy, sure ako na okay lang doon si Zach." Pagpapatahan ni Mary sa kanyang kaibigan. Umiiyak kasi ito dahil hindi ito sanay na wala sa tabi nito ang kanyang anak. "Sa tingin mo sissy? Baka umiiyak siya doon?" Tanong nito kay Mary. "Sure ako na okay lang siya. Puwede mo siyang tawagan kung gusto mo. Para na rin malaman mo na okay lang siya," suggestion ni Mary sa kaibigan niya. Kaagad naman nitong kinuha ang telepono at tinawagan ang mommy niya. "Hello, Mom." "Hello, anak. Napatawag ka?" Tanong ni Madam Sassy sa anak niya. "Mom, is he okay? Umiiyak po ba siya?" Tanong nito sa mommy niya. "He's fine and you know what madaldal siya anak. Nagulat rin ako dahil nakikipag-usap siya kay Simon." "Who's Simon?" Tanong nito sa mommy niya. "My driver, he's so handsom

