Bumungad kay Mhel ang gwapong mukha ni Simon. Gising na ito at nakatitig lang sa kanya. May lungkot sa mga mata nito pero kaagad rin itong ngumiti kay Mhel. "How's your feeling?" Tanong ni Simon kay Mhel. "Masakit ang buong katawan ko. Ikaw kasi ayaw mong tumigil." Nakangusong sabi ni Mhel kaya mabilis namang hinalikan ni Simon ang labi niya. "Stop it! Hindi pa ako nagtoothbrush," nahihiyang sabi ni Mhel kay Simon. "It's fine baby, ako rin naman hindi pa." Nakangiting sabi ni Simon. "Baby, ipapaalala ko lang sa 'yo masakit pa ang katawan ko." Sabi ni Mhel sa binata dahil panay ang halik nito sa leeg niya. "Alam ko baby," nakangiting sabi nito. "Sana baby bumalik na ang alaala ko." Biglang sabi ni Mhel na siyang ikinatigil ni Simon. "Are you sure na gusto mong maalala ang nakaraan?"

