BEATRIX POV "May I have the pleasure, dancing with you, sweetie?" Nakangiting tinanggap niya ang nakalahad na kamay ni Steven. "Yes, sure," Kaagad naman niyang inilibot ang kanyang mga braso sa leeg ng binata at ito naman ay nakayapos sa beywang niya. Sobrang lapit ng katawan nila, kulang na lang hindi makadaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Humilig ang ulo niya sa dibdib ng binata at napapikit. Hindi siya makapaniwala na heto sila ngayon, magkayakap at pinakiramdam ang isa't-isa. Ang pintig ng puso ng binata ay ang sarap pakinggan at ayaw na niyang ilayo ang sarili rito. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na mayakap niya ng ganito mahigpit si Steven. She never expected this to happened, isang iglap lang nagbago ang lahat ng pagsasamahan nilang dalawa. Gusto

