BEATRIX Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang buntis siya. Sa isang mainit na gabi ay may nabuo na sa kanyang sinapupunan. Ano nga ba ang matatawag doon? One night stand? Dalawang beses silang nagkita, pero sa pangalawang beses na pagkikita na iyon ay may nangyari sa kanila. Napabuntong-hininga siya. Wala siyang magawa kung 'di tanggapin ang sitwasyon niya na may buntis siya. Hindi labag sa kalooban niya na magkaanak, pero ang problema lang iyong walang ama ng dinadala niya. Hindi niya pa lubusang kilala ang taong nakabuntis sa kanya. Oo, alam niya ang pangalan ng lalaking iyon, pero hindi niya alam kung sino ito, at kung ano ang background nito. Siya na talaga ang babaeng tanga, at hindi man lang niya inalam kung sino ito. Basta na lang bumukaka ang hita niya, ayon buntis

